#WINNER: Mga natanggap na award ni Barbie Forteza
Mula sa pagiging best actress hanggang sa pagiging comedy star of the year, ito ang mga award na natanggap ni Barbie Forteza!
Laut
Umani ng maraming parangal si Barbie Forteza dahil sa kanyang paganap bilang isang Badjao sa pelikulang 'Laut.' Isa dito ay ang Best Actress award mula sa 36th Fantasporto International Film Festival na ginanap sa Oporto, Portugal. Pinalabas ang 'Laut' sa Singkuwento International Film Festival last February 19.
Comedy
Hindi lang sa drama magaling ang aktres. Naparangalan din si Barbie bilang Female Comedy Star of the Year (Editors' Choice) sa ika-apat na taon ng PEP List Awards. Ani ni Barbie, "Oh my gosh. Teka lang. Hindi ko 'to inexpect."
Ani ng Dangal
Nasungkit muli ni Barbie ang isa na namang Best Actress award para sa 'Laut' sa 9th Ani ng Dangal Awards.
Walk of Fame
Nabigyan na rin ng bituin si Barbie sa Walk of Fame ng Eastwood City noong 2016.
Inquirer Bravo
Isa ring Inquirer Bravo awardee si Barbie. Aniya, "Maraming salamat po Inquirer's Indie Bravo para sa parangal na ito. Thank you po, Mr. Bayani San Diego Jr."
Appreciation
Na-a-appreciate talaga ng aktres ang mga award na nabibigay sa kanya, maliit man or malaki. Dito ay naka-pose ang aktres habang hawak ang Certificate of Appreciation mula sa Philippine Children's Medical Center.
Awards
Ang iba pa sa awards na nakuha ng aktres ay ang New Movie Actress of the Year mula sa 26th PMPC Star Awards for Movies para sa pelikulang 'Puntod,' ang Best Supporting Actress mula sa Cinemalaya Awards, at 38th Gawad Urian Awards parehong para sa 'Mariquina.'
Teen
May iba't ibang special awards din na natangap si Barbie tulad na lang ng Most Stylish Rising Star mula sa Candy Magazine Awards 2013 at ang German Moreno Youth Achievement Awardee mula sa 2010 FAMAS Awards, among others.
Kapuso Walk of Fame
Ginawaran ng Kapuso network si Barbie ng sarili niyang bituin sa Walk of Fame noong 2016.
Recognition Award
Binigyan ng Philippine Children's Medical Center si Barbie ng Recognition Award para sa kaniyang suporta at tulong sa PCMC Adopt-A-Room Project.
Pinakapasadong Katuwang na Aktres
Ginawaran ng De La Salle University si Barbie ng Pinakapasadong Katuwang na Aktres sa 19th Gawad Pasado para sa kanyang pagganap sa pelikulang 'Tuos.'
Makabata Star Award
Umani rin ng papuri si Barbie sa Anak TV Awards noong 2019 bilang Makabata Star ng taon.