IN PHOTOS: Mga celebrities na kumasa sa #OldAgeChallenge
Napasilip sa kanilang future self ang ilang celebrities sa paggamit ng aging filter ng FaceApp. Kilalanin at tingnan kung ano ang magiging itsura nila 30 years from now sa gallery na ito.
Men's Night Out
Magbibigay pa rin ng love advice gabi-gabi ang disk jockeys na sina Slick Rick, Jo the Love Survivor, Sam YG, at Tony Toni kahit matanda na sila.
Stefany Prescott
“I'll love you until we're old and gray” ang sweet post ni Kapuso actress Stefany Prescott sa kaniyang asawa na si JP Yap.
The Brappack
Best friends 'til the end ang The Brappack na sina (from the top; left to right) Ryan Agoncillo, Javy Olives, Sid Maderazo, Drew Arellano, Paolo Abrera, Odyssey Flores, at Jericho Rosales kasama ang kanilang mga misis na sina Sunshine Flores, Kat Maderazo, Iya Villania, Judy Ann Santos, Suzi Abrera, Kim Jones, at Hannah Olives.
Lolos of GMA
Sinong mag-aakala na ang tatlong guwapong lolo na iyan ay sina Miguel Tanfelix, Mavy Legaspi, at Migo Adecer?
Andre Paras
'Di hihinto sa pagbabasketball sina Andre Paras at Mavy Legaspi kahit matanda na.
LOOK: Artistas in their FaceApp photos
Kean Cipriano
Cool in his blue printed shirt si rocker dad Kean Cipriano kapag tumanda na kaya naman mafo-fall pa rin si Chynna Ortaleza.
Nico Bolzico
Feeling young inside pa rin daw si Nico Bolzico kahit matanda na dahil sa saya at pagmamahal na ibinibigay ni Solenn Heusaff. Awww.
Daniel Matsunaga
Kamukha ni Daniel Matsunaga ang Hollywood actor na si Bryan Cranston sa kanyang pagtanda.
Ruru Madrid
Henyo master Joey de Leon ang peg naman ni Ruru Madrid sa paggamit niya ng FaceApp.
LOOK: Drew Arellano and Erwan Heussaff look hot as they try aging app
DJ Mo Twister
Nadagdagan lang ng wrinkles at namuti ang buhok ni DJ Mo Twister nang gamitin ang aging filter.
Angeli Scheming
Looking beautiful as ever para kay DJ Mo Twister ang kasintahan niyang si Angeli Scheming.
Anne Curtis
Forever young and in love sina Erwan Heussaff at Anne Curtis habang suot-suot ang kanilang couple shirt
Alden Richards
Patuloy pa rin magpapakilig ang dimples ni Kapuso actor and dabarkad Alden Richards kahit matanda na.
Arnold Clavio
Work mode pa rin si Kapuso anchor Arnold Clavio in 2039.
IN PHOTOS: Guwanpong male celebs, mala-dyosa ang ganda
#JuanChoyce Forever
"Tayo pa rin hanggang pagtanda" ang gustong ipahatid ng Kapuso couple na sina Juancho Trivino and Joyce Pring.