IN PHOTOS: Who is Nico Fowler a.k.a. Nico Locco?
Noong 2019, ginulat ng aktres na si Arianne Bautista ang online world matapos i-post sa social media ang panlolokong ginawa ng kanyang dating boyfriend na si Nico Fowler. Kilalanin ang binata sa gallery na ito:
Nico Fowler
Si Nico Fowler, o mas kilala sa kanyang palayaw na Nico Locco, ay isang Italian-Canadian national na kasalukuyang naninirahan sa Pilipinas. "A foreign boy with a pusong Pinoy," kung ilarawan niya ang kanyang sarili.
GMA shows
Nagkaroon siya ng guest appearances sa ilang Kapuso shows gaya ng Pop Talk, Mars, at Family Feud.
Movie
Parte ng cast ng MMFF 2019 entry na 'Culion' si Nico kung saan nakasama niya sina Jasmine Curtis-Smith, Iza Calzado, Meryl Soriano at Joem Bascon.
Arianne Bautista
Pausbong ang career ni Nico nang isiwalat ni Arianne Bautista ang panlolokong ginagawa sa kanya ng ex-boyfriend.
Sa isang Facebook post, ibinulgar ni Arianne ang mga panlolokong ginawa ng kanyang ngayo'y ex-boyfriend. Aniya, "I had no idea he was doing this because all along he's been so sweet to me. He made me fall in love with him so much. 'Yun din pala [ang] ginagawa n'ya sa lahat."
Secrecy
Ayon pa kay Arianne, si Nico mismo ang humiling sa kanya na isikreto ang kanilang relasyon dahil may pinapangalagaang imahe ang modelo at inunawa naman ito ng aktres. August 2018 noong sila ay naging opisyal na maging magkasintahan.
Apologetic
Kasunod ng mga paratang ni Arianne, humingi ng paumahin si Nico sa pamamagitan ng isang Facebook post. Aniya, "I want to apologize to my ex-girlfriend, Arianne, for the hurt that I have caused her. I made a big mistake. It is indefensible and have learned a valuable lesson in life with regards to being faithful and respectful to women. Alam ko na sobrang mali ang ginawa ko and I have taken a good, hard look in the mirror over the past couple days and rest assured, I will become a better person as a result."
Cyber bullying
Umalma naman si Nico matapos makatangap ng death threats at hate messages dahil sa kanyang infidelity. "To all the bashers that have sent me death threats, hate messages, and have gone to the extent of approaching me in public places to verbally harass me, I want you to know that cyber-bullying (bullying per se) is not okay."
Sexy Hipon
Nag-guest si Nico sa January 2 episode ng 'Wowowin' kung saan ibinuking ni Hipon Girl ang panlolokong ginawa niya sa ex-girlfriend na si Arianne Bautista.
Wowowin
Ipinaabot din ni Nico ang mensahe kay Arianne sa 'Wowowin.'
Films
Kahit marami siyang pinagdaan dahil sa kanyang isyu kay Arianne Bautista, tuloy pa rin ang career ni Nico Locco sa showbiz. Bumida siya sa mga iilang palabas katulad ng BL series na Love at the End of the World at sa pelikulang Kuta, kung saan nakatrabaho niya ang mga Kapuso star na sina Buboy Villar at Jelai Andres.
Christine Bermas
Nag-guest dati si Nico Locco sa noontime program na It's Showtime, kung saan nakilala niya ang sexy star na si Christine Bermas. Dahil sa nakita niyang kagandahan at confidence ni Christine, naglakas loob si Nico kausapin ang aktres sa Instagram.
Vivamax star
Noong 2022, pumirma ng kontrata si Nico Locco sa Viva Artists Agency (VAA). Simula noon, maraming sexy films at series ang binida ni Nico na kinaaliwan ng fans.
Dating
Noong 2023, inamin nina Nico Locco at Christine Bermas na ang kanilang dating status ay "in a relationship." Naging official couple ang dalawa noong Valentine's Day ng 2022.
EXpecially For You
Pagkatapos ng dalawang taon bilang couple, nag-break sina Nico Locco at Christine Bermas noong February 2024. Ilang months lang ng kanilang hiwalayan, bumisita ulit ang ex-couple sa It's Showtime para sumali sa"EXpecially For You."