Dantes squad, sinorpresa ang anak ni Pokwang
Na-touch ang seasoned comedienne and host na si Pokwang sa birthday surprise ng Dantes family para sa anak niyang si Malia na nagdiriwang ng kaniyang 6th birthday ngayong Linggo.
Sa video na in-upload ni Pokwang sa Instagram, makikita na binigyan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes ng gift si Malia.
Mapapanood ang Sparkle comedienne sa hit sitcom ng DongYan na Jose & Maria's Bonggang Villa 2.0 na magsisimula ang season premiere bukas ng gabi, January 20.
Sabi ni Pokwang sa caption ng post, “Thank you so much @marianrivera papa @dongdantes ate Zia and guapong guapong Zixto… sobrang happy si birthday girl sa gift… thank you….”
May kurot sa puso naman ang love letter ni Pokwang para kay Malia nang mag-post ito ng birthday message sa anak nitong January 18.
Sabi ni Pokwang na lagi lang siya nasa tabi ng anak kahit saan man siya dalhin ng buhay.
Aniya, “Nandito lang si mama go go go anak… paglaki mo saan kaman magtungo saan ka man dalhin ng pangarap mo, isang lingon mo lang nandon ako lagi nak nakaalalay sayo.”
Bukod kay Malia, may isa pang anak ang Kapuso actress na si Mae.