TRIVIA: Things you need to know about Pasig City Mayor Vico Sotto
Hindi nakakagulat na kapag ang isang tao ay anak ng dalawang showbiz personalities, hindi malayong sumunod ito sa yapak ng kanyang mga magulang.
Pero ibahin n'yo si Vico Sotto.
Anak siya ng dalawa sa pinakamalaking pangalan sa mundo ng Philippine entertainment industry na sina Eat Bulaga pioneer Vic Sotto at accomplished drama actress na si Coney Reyes, pero mas pinili nito na sumabak sa career bilang public servant.
Gumawa ng ingay si Vico sa Pasig noong 2019 elections, matapos talunin ang incumbent mayor na si Bobby Eusebio at tapusin ang ilang dekadang pamamalakad ng Eusebio family sa siyudad.
Ngayon, bilang chief executive ng Pasig City, laman madalas ng balita si Vico sa mga pagbabago na ginagawa niya sa kanilang lugar at binabasag ang imahe ng isang traditional politician.
Kilalanin pa nang husto ang anak nina Bossing Vic at Coney na si Vico Sotto sa gallery na ito:
Siblings
Si Vico ay malapit sa mga kapatid niyang sina Oyo Boy, Danica, Paulina, at Tali.
Academics
Si Vico ay nakapagtapos ng B.S. Political Science sa Ateneo de Manila University with master's degree in Public Management.
Life after graduation
Nang makapagtapos si Vico ay nagtrabaho siya sa Sangguniang Panglungsod ng Quezon City bilang legislative staff officer mula 2013hanggang 2015.
Councilor
Taong 2016 nang nakakuha ng highest number of votes si Vico sa pagtakbo bilang councilor ng Pasig City.
Elections
Nitong May 2019 elections, nanalo si Vico bilang mayor ng Pasig. Nakakuha si Vico ng 209,370 votes at si incumbent Mayor Robert "Bobby" Eusebio ay nakakuha ng 121,556 votes.
Challenge
Dahil 29 years old pa lamang si Vico, ikinuwento niya sa GMA News na ang kanyang edad ang magsisilbing challenge para sa kanyang pamumuno. "I think it's a challenge kasi siyempre may mga iba na kapag nakitang bata baka isipin kayang-kaya ka, kaya kang diktahan. Pero 'pag nakatrabaho naman na nila ako makikita rin nila na alam ko ang ginagawa ko. So it's a challenge but it's not an insurmountable challenge."
Bachelor
Kinikilala na ngayon bilang most eligible bachelor ng Pasig si Vico. Ngunit para sa mayor-elect, ang priority niya ngayon ay ang pagseserbisyo sa publiko. "Wala. Wala talagang time [sa love life]. 'Pag may free time ako, mas gusto ko pang matulog at magpahinga na lang."
Advice
Ibinahagi naman ni Vico ang mga payo sa kanya nina Vic at Coney sa kanyang tatahaking landas bilang mayor ng Pasig.
Saad ni Vico, "Huwag kalimutan ang Diyos, laging magdarasal, 'yun ang payo sa akin ni Mama. Always have faith. Ang tatay ko naman ang payo niya sa akin ay lagi kang makikinig sa nanay mo."
Gretchen Ho
Nalilink si Mayor Vico sa Kapamilya TV host Gretchen Ho, matapos mag-viral ang kanilang photo habang nanood ng isang Southeast Asian (SEA) Games volleyball match. Sa isang panayam naman, sinabi ni Bossing Vic Sotto na hindi siya kumbinsido na may namamagitan sa dalawa.
Reform
Umani ng papuri si Vico Sotto sa ginawa nitong pag-aayos sa Pasig City government. Kamakailan lang naibalita na nagawang makatipid ng PhP150 million ng city government mula July hanggang November. Nagawa daw nila ito dahil sa strikto at tunay na pagpapatupad ng public bidding procedure
Alex Gonzaga
Bata pa lamang si Mayor Vico, hindi na niya nakikita na sundan ang yapak ng kanyang mga magulang at pasukin ang showbiz. Sa panayam niya kay Alex Gonzaga sa vlog ng aktres, ibinahagi niya ang dahilan kung bakit tumakbo siya sa pagka-mayor noong 2019. “Ito 'yung nakita kong opportunity na magpakilala ng mga pagbabago sa lungsod natin.”