Celebrity Life

Dennis Trillo, may bagong leading lady

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated June 26, 2020 8:26 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Magnitude 5.3 earthquake hits offshore Sultan Kudarat
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Balik-primetime si Dennis Trillo sa isa na namang drama series. Sa pagkakataong ito, sa GMA News TV mapapanood si Dennis at may bago siyang makakatambal. Sino kaya ito?

Balik-primetime si Dennis Trillo sa isa na namang drama series. Sa pagkakataong ito, sa GMA News TV mapapanood si Dennis at may bago siyang makakatambal. Sino kaya ito?

Kuwento ni Dennis matapos ang kanyang GMANetwork.com Live Chat noong May 21, “Kasama ko dito si Ms. Bela Padilla. Meron kaming six episodes na gagawin.”

Sa Puso ni Doc ang pamagat ng bagong mini series na pagbibidahan nina Dennis at Bela. Anong klaseng experience ang maibibigay nito sa mga manonood?

Anang award-winning actor, “Ang io-offer nito ay isang story tungkol sa mga doktor, parang ‘yung medical drama na Grey’s Anatomy, pero tina-tackle niya ‘yung mga problemang nae-encounter ng mga doktor sa probinsya gaya ng mga kulang sa funds at iba pa.”

Masaya raw si Dennis na si Bela ang kanyang makakapartner dahil matagal na rin silang hindi nagkakasama sa isang proyekto.

“Siyempre, mayroon ding kaunting love story and maganda dahil makakatrabaho ko ulit si Bela and first time naming magiging doctor kaya exciting,” wika niya.
Pagdating sa paghahanda, nanood daw si Dennis ng mga medical series. Dagdag niya,“Doon sa aming taping, mayroon ding mga professionals na mag ga-guide sa amin in case may mga katanungan kami.”

Ani Dennis, socially relevant ang mga isyu na ipapakita sa Sa Puso ni Doc katulad ng mga naunang GMA News TV series na Bayan Ko at Titser. Si Adolf Alix, Jr. din ang magdidirect nito..

-Text by Samantha Portillo, GMANetwork.com