IN PHOTOS: Creative fan art featuring Alden Richards
Pinakita ng fans ni Alden Richards ang kanilang galing sa paggawa ng mga artworks para sa Kapuso actor. Tingnan ang ilan sa kanilang mga ginawa sa gallery na ito.
James Boom
Pinamalas ng isang fan ang kaniyang galing matapos gawing James Boom ang sikat na karakter na si James Bond. Si James Boom ang karakter ni Alden sa sSikat na segment sa 'Eat Bulaga' na "Boom!"
The Greatest Showman
Pinalitan naman ng poster ng 'The Greatest Showman' ng katawan ni Alden. Pinagbidahan nina Hugh Jackman at Zac Efron ang nasabing palabas.
Gone with the Wind
Kung magkakaroon ng reboot ang 1939 film na 'Gone with the Wind,' puwedeng sina Alden at Janine Gutierrez ang gumanap na mga bida.
Top Gun
May ginagawang sequel ang sikat na pelikulang 'Top Gun,' na ipapalabas sa susunod na taon. Ppero kung kailangan ng kapalit ni Tom Cruise, puwedeng-puwede si Alden, ayon sa isang fan.
Attack on Titan
Puwede ring gumawa ng isang anime si Alden, kung saan siya ang bida sa 'Attack on Titan.'
Alaala
Papasa rin itong fanart bilang poster sa nakaraang Martial law special ng GMA, ang 'Alaala,' na pinagbidahan ni Alden.
Alden and Kathryn
Marami na rin ang nag-isip na gawan ng poster ang pelikulang pagsasamahan nina Alden at Kathryn Bernardo.
The Untouchables
May nakaisip na rin ng puwedeng pangalan ng kanilang pelikula, ang 'The Untouchables.'
Victor Magtanggol
Hindi pa rin nakalilimutan ng fans ni Alden ang dating role niyang si Victor sa fantasy series na 'Victor Magtanggol.'
8th Anniversary
Pasok din bilang poster para sa ika-walong taon ni Alden sa showbiz ang fan art na ito.