Filtered By: Celebrity Life | News
Mike Tan, aminadong nahirapan maging mabait
Published On: May 19, 2014, 06:30 PM
Updated On: March 14, 2020, 12:55 PM
Maraming kinailangang baguhin si Mike para maging convincing ang pagiging mabait ni Jun, ang character ng aktor sa Telebabad series na 'Kambal Sirena'.
Since he became the Ultimate Male Survivor in the second season of StarStruck, Mike Tan had his fair share of diverse characters. From his first lead role as Jonas in Kung Aagawin Mo Ang Langit, to the scheming Third in Legacy, which was immediately followed by Perry in Faithfully, up to his most recent one, as Rigor in Agustin dela Cruz's Mga Basang Sisiw, Mike seems to have no problem in making these characters come to life.
It is the role of Jun in his latest project, the primetime series Kambal Sirena, that the Kapuso actor admits to be having some difficulty. "Sa totoo lang, itong character na ito ay sobrang iba sa character ko sa totoong buhay. Hanggang ngayon, nag-struggle ako sa character na ito. Ang hirap, mahirap talaga."
Maraming kinailangang baguhin si Mike para maging convincing ang pagiging mabait ni Jun. "Kailangan kong baguhin ang boses ko. Medyo nahihirapan talaga ako kasi by the time na unang makita si Jun, kailangan makita kung gaano siya kabait. Dapat makita 'yung mga sakripisyo niya. Ang daming nuances na kailangang gawing units, so hanggang ngayon, kailangan ko yung guidance ni Direk para gawin 'yung character ko."
Aside from Direk Dondon Santos, nakakakuha rin ng tulong si Mike mula sa veteran actor na si Archie Adamos, who plays the role of Jun's father, Ramon.
"Sobra ang support na binibigay niya sa akin, sa mga eksena namin. Alam mo, every time na nakakagawa kami ng scene talagang ang saya namin kasi pakiramdam namin nagawa namin siya ng maayos. Tapos, iba 'yung fulfillment kapag nagawa mo 'yung isang project or scene. Minsan, nakakatuwa kasi sasabihin ni Kuya Archie 'Sabihin mo sa akin kung medyo sumusobra na ko.' 'Teka, teka Kuya Archie, bakit ka sa akin nagsasabi ng ganyan? Ako ang dapat humihingi.' Sobrang galing ni Kuya Archie. Para sa akin, isa siya sa mga nagdadala kung bakit nagiging ganun ang character ni Jun."
Paganda nang paganda na ang kuwento ng Kambal Sirena, lalo na ngayong nagka-paa na si Alona at nakatira na siya kay Jun. Ano pa ang mga dapat abangan ng mga manonood sa kanilang dalawa?
"Ang kailangan nilang abangan, kung ano 'yung mga magiging reaction nina Alona at Jun sa mga pag-uusap nila. Kasi iba ang priority ni Alona, iba ang priority ni Jun, sobrang saliwa. Pero handa si Jun lagi na magsakripisyo para kay Alona," sagot ni Mike.
Patuloy na panoorin si Mike Tan bilang Jun sa Kambal Sirena, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng 24 Oras, sa GMA Telebabad. For updates on Mike and other Kapuso stars, visit GMANetwork.com. -- Text by Michelle Caligan, Photo by Elisa Aquino, GMANetwork.com
Trending Articles