#OhBabyDantes: Marian Rivera's baby shower with family and friends
Silipin ang mga nagbigay suporta kay Marian Rivera para sa nalalapit na pagsilang ng ikalawang anak nila ni Dingdong Dantes.
Marian Rivera
Nitong February 24 ay bumuhos ang pagmamahal at suporta mula sa pamilya at kaibigan ni Marian Rivera para sa nalalapit na pagdating ng ikalawang anak nila ni Dingdong Dantes.
Interview
Nagpaunlak ng interview ang Kapuso Primetime King and Queen para magbigay ng update sa nalalapit na pagdating ng kanilang ikalawang anak.
Aiai delas Alas
Dumating rin ang 'Sunday PinaSaya' co-star at matalik na kaibigan ni Marian na si Aiai delas Alas.
Ash Ortega
Present din ang pretty Kapuso na si Ash Ortega. Saad niya sa kanyang post, "Congratulations ate Yan!! We all can't wait to see your baby boy [heart emoji]. Missing the cast of Super Ma'am #OhBabyDantes"
Bettinna Carlos
Si Bettinna Carlos ay nakipag-bonding sa panganay nina Dingdong at Marian na si Zia. Aniya, "My inaanak #MariaLetizia. Getting more and more beautiful each time I see her."
Roxanne Barcelo
Hindi na-miss ng bestfriend ni Marian na si Roxanne Barcelo ang importanteng gabi na ito.
Angelu de Leon
Present rin si Angelu de Leon at nagbigay rin siya ng mensahe para sa soon-to-be parents of two adorable kids. "Over the moon baby shower for the blooming mother @marianrivera. We can't wait to meet baby boy Dantes. Congratulations @dongdantes and @marianrivera! Praying for your safe delivery and a healthy baby. God bless your family always."
Super Ma'am
Nagsama sama rin ang mga 'Super Ma'am' co-stars na sina Ralph Noriega, Big Mac Andaya at Ash Ortega para sa special day ni Marian.