Former T.G.I.S actor Onemig Bondoc, where is he now?
Naaalala n'yo ba ang matinee idol na si Onemig Bondoc na sumikat noong '90s? Alamin ang kaniyang buhay sa labas ng showbiz sa gallery na ito.
TGIS
Bago pasukin ang showbiz, una munang nakilala si Onemig Bondoc bilang commercial model ng isang toothpaste brand hanggang sa napabilang sa hit GMA teen-oriented series na 'TGIS (Thank God It's Sabado)' noong 1995.
Shows
Bukod sa 'TGIS,' ilan lamang ang 'Villa Quintana,' 'Ober Da Bakod,' 'Growing Up,' at 'Ganyan Kita Kamahal' sa mga ginawang serye ng dating matinee idol sa Kapuso Network.
Chowtime
Bago siya magretiro sa showbiz, naging host pa si Onemig ng noontime show na 'Chowtime' sa IBC-13 noong 2005.
Retirement
Noong 2006, napagdesisyunan ng former teen star na lisanin ang mundo ng showbiz para bumalik sa pag-aaral at para mapagtuunan ng pansin ang kanilang family business.
Drugs
Inamin ni Onemig sa kaniyang panayam sa defunct GMA News TV progam na 'Powerhouse' noong 2014 na nalulong siya sa ipinagbabawal na gamot bago pa man siya mag-retiro sa showbiz.
Marriage
Ikinasal siya sa French-Filipina commercial model at aktres na si Valerie Bariou noong December 2009 sa isang civil rights ceremony ngunit naghiwalay din matapos ang ilang taong pagsasama. May dalawa silang anak na sina Armelle (ipinanganak noong 2007) at Antoine (ipinanganak noong 2014).
Custody
Noong 2015, kinumpirma ni Onemig sa 'StarTalk' na naghain siya ng court case sa Quezon City Hall of Justice laban sa kaniyang estranged wife na si Valerie para makuha ang solong kostudiya ng dalawa niyang anak. Ayon sa dating aktor, naniniwala siyang walang kakayahan si Valerie na buhayin ang mga ito.
Valerie Bariou
Si Valerie ang gumanap na "double" ng Hollywood actress na si Rachel Weisz noong i-shoot ang American action thriller film na 'Bourne Legacy' sa Pilipinas noong 2012.
Politics
Sinabukan ni Onemig na pasukin ang mundo ng politika matapos mag-file ng certificate of candidacy bilang congressman sa second district ng Bataan noong 2012 ngunit sinampahan siya ng disqualification case dahil sa kakulangan sa residency requirements. Binawi rin naman nang personal ni Onemig ang kaniyang pagka-kandidatura bilang kongresista noong February 2013, ayon sa Commission on Elections Provincial Election Supervisor ng Balanga.
Mariveles
Ayon sa kaniyang Facebook account, kasalukuyang naninirahan ang 44-year-old sa Mariveles, Bataan.
Single parent
Kahit busy sa pagiging negosyante, very hands-on pa rin si Onemig sa kaniyang dalawang anak.
Cycling
Mas masaya raw ngayon si Onemig dahil napagtutuunan niya ng pansin ang kaniyang sport na cycling.
Thankful
Kahit nilisan na ang mundo ng showbiz, patuloy pa ring binabalik-balikan ni Onemig ang mga magagandang ala-ala niya bilang artista, at thankful pa rin siya sa mga nananatiling sumusuporta sa kaniya.
Sporty
Kahit matagal nang nilisan ng aktor ang showbiz, marami pa rin ang nakakakilala kay Onemig lalo na kapag lumalabas siya gamit para mag-bike.