Filtered By: Celebrity Life | News
Mikael Daez on being compared to Professor Matteo: "Nakakatuwa na may kamukha ako"
Published On: May 6, 2014, 03:16 PM
Updated On: February 22, 2020, 02:23 AM
Kasabay ng pagtutok ng mga manonood sa programang 'My Love From The Star' ay ang pagkakapansin nila na may pagkakahawig si Professor Matteo [Kim Soo-hyun] kay Mikael Daez. Ano kaya ang naramdaman ng aktor tungkol dito?
Kasabay ng pagtutok ng mga manonood sa programang My Love From The Star ay ang pagkakapansin nila na may pagkakahawig si Professor Matteo [Kim Soo-hyun] kay Mikael Daez. Ano kaya ang naramdaman ng aktor tungkol dito?
Kuwento ni Mikael, hindi pa niya napapanood ito ngunit nakita niya na ang billboard, at cute umano si Steffi Cheon [ginagampanan ni Jun Ji-Hyun].
Natutuwa rin daw siya dahil may nakakapansin na kamukha niya ang lead actor dito. Aniya, “I guess nakakatuwa na may kamukha ako. Minsan may nagpo-post na kamukha ko nga, nakakatuwa 'yun. Well aside from that wala naman kasi di ko pa napapanood e.”
Dagdag ni Mikael, may mga naglalagay sa Instagram account niya ng comments patungkol dito. “Mga, ‘Kamukha mo si Professor Matteo!' o 'Kahawig ni Mikael ‘yung sa Koreanovela!'” natatawang pahayag ni Mikael.
Kung gagawa man ng Philippine adaptation ang My Love from the Star, masaya umano itong gagawin ng aktor. Saad niya, “Para sa akin masayang gumawa ng Philippine adaptation ng Koreanovela. Kakaiba, I mean tayong mga Pinoy may sarili tayong style 'yung mga Koreanovela na gingagawa natin. Ibang iba 'yung tema.”
Masaya ring ibinahagi ng aktor ang kanyang napupusuang leading lady para sa role na Steffi.
“Alam mo 'yung nakita ko 'yung 'So It's You' trailer, si Carla ang cute! At saka nakakasama ko siya sa Bubble Gang. Masaya ‘yun,” pahayag ni Mikael
Sa ngayon, mapapanood si Mikael Daez sa Isla kasama si Solenn Heussaff ngayong May 11 sa GMA News TV.
Para sa updates tungkol kay Mikael Daez at iba pang Kapuso artists, patuloy na mag-log on sa www.gmanetwork.com.
-Text by Maine Aquino, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com
Trending Articles