Filtered By: Celebrity Life | News
Celebrity Life

Dion Ignacio all praises for 'Innamorata' co-stars

Updated On: February 28, 2020, 02:17 AM
Malaki raw ang naitutulong ng pagiging in character ng co-stars ni Dion sa kanyang acting, at nagpapasalamat siya sa tulong nila.

Masaya ang Kapuso actor na si Dion Ignacio dahil bukod sa hindi siya nawawalan ng TV project ay nakakatrabaho pa niya ang ilan sa mga magagaling na artista.

Sa nakaraang live chat ng cast ng Innamorata, where he plays the role of Dencio, we asked Dion to describe his working relationship with his co-stars. All praises ang Starstruck alumni sa kanyang mga kasamahan, who are all very easy to work with.

Ayon kay Dion, si Luis Alandy, who plays Edwin na love interest ng character ni Max Collins, ay “mabait at saka maalaga.”

“Sa kahit sino sa amin, concerned siya. Kunwari sa scene ko, nag-buckle o nalilito ako. Sasabihin ni Luis, 'Okay lang 'yan. Relax.' Ngayon, magiging comfortable na ako, mararamdam ko na 'yung energy, magiging okay na 'yung scene namin."

He says the same thing about Max. "Kay Max, sobrang comfortable din ako. Mabait siya, at open. Nagkukuwentuhan kami about sa scene, kung
paano namin mapapaganda."

Hanga naman si Dion sa professionalism ni Jackie Rice, na gumaganap bilang Gina dahil sa hangad nito na lalong matuto ng acting.

Dagdag niya, "Nagkukuwentuhan kasi kami tungkol sa acting, 'yung mga techniques. Ako kasi sa YouTube ako [kumukuha]. Sabi ko sa kanya, 'Mag-YouTube ka. May videos doon kung paano mag-build ng character.' Gusto niya maging beterano rin."

Tips sa pagta-Tagalog naman ang bonding moments nina Dion at Gwen Zamora. "Parang nahihirapan siya, so tinuturuan ko siya," aniya.

Kumusta naman ang katrabaho nilang veteran actors tulad ni Michael de Mesa?

"Si Direk Michael [de Mesa], first time ko siyang makaeksena. Siya relaxed lang kapag nasa set, pa-joke-joke. Minsan blocking o rehearsal, jino-joke niya ang mga lines. Pero kapag take na, sobrang in character, makikita mo sa mata. Ang daling katrabaho ng mga beteranong artista. Mas nacha-challenge ka kasi. At nakakahiya, (kaya) dapat galingan mo."

Malaki raw ang naitutulong ng pagiging in character ng kanyang co-stars sa kanyang acting. Naikuwento pa ni Dion na minsan ay tinext pa niya si Luis para magpasalamat sa pagtulong sa kanya.

"Kahit late na, makikita mo pa rin sa kanila ang character. Kaya sinasabi ko talaga kapag nag-cut na, 'Ang galing mo.' Like kay Luis dati, may scene kami. Naramdaman ko siya, so tinext ko ng 'Luis, salamat kanina ha, naramdaman ko 'yung character mo.’ Parang ako rin mas naging in character sa scene natin kanina."

Patuloy na panoorin ang Innamorata, weekdays after Villa Quintana, on GMA Afternoon Prime. For the latest news on Dion Ignacio and other Kapuso stars, visit www.GMANetwork.com.

-- Text by Michelle Caligan, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com
Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.