
Hindi lang maingay ang pangalan ni Jillian Ward dahil sa kanyang karakter sa Abot-Kamay Na Pangarap kundi pati na rin dahil sa kanyang mga nagte-trending na social media posts.
Kasabay ng pagdiriwang ng Father's Day, pinalitan ng admin ng Facebook page ni Jillian ang profile picture nito.
Kapansin-pansin sa bagong profile photo ang glowing beauty ng aktres at ang kanyang hourglass figure.
Sa loob lamang ng 23 hours, humakot na ng mahigit 123, 000 reactions ang naturang larawan.
Kaugnay ng post, mababasa ang mahigit 3,000 comments mula sa netizens at mga tagasubaybay ni Jillian.
Bukod sa pagiging young talented Kapuso actress, isa rin si Jillian sa most followed Pinoy celebrities sa social media.
Sa kasalukuyan, mayroon na siyang 16 million followers sa Facebook, 3.9 million followers sa Instagram, at 7.6 million followers naman sa video-sharing application na TikTok.
Napapanood si Jillian bilang ang dating genius kid na pinakabatang doktor ngayon sa bansa na si Doc Analyn.
SILIPIN ANG LOOKS NI JILLIAN WARD BILANG SI ANALYN SA ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: