Ryzza Mae Dizon celebrates 18th birthday
Thankful si Ryzza Mae Dizon sa panibagong taon na dumating sa kaniyang buhay. Ngayong araw, June 12, ipinagdiriwang ni Ryzza ang kaniyang 18th birthday.
Sa Instagram, ibinahagi ni Ryzza ang kaniyang birthday photos habang may hawak na cake. Sulat niya, "Thank you, God for another year."
Ilan sa celebrities na bumati kay Ryzza ay sina Ruru Madrid, Rodjun Cruz, Winwyn Marquez, Zephanie, Ryan Agoncillo, Darren Espanto, Ciara Sotto, Maxene Magalona, Ashley Sarmiento, Allan K, Teejay Marquez, Lovely Abella, Bea Binene, Sanya Lopez, Pauline Mendoza, Sofia Pablo, at Yasmien Kurdi.
"Dalaga ka na BB," sabi ni Ryan.
"Happy 18th birthday [Ryzza Mae Dizon]. Enjoy ka! God bless you always [and] in all ways," pagbati ni Rodjun.
"Happy, happy birthday Ryzza Mae! Labyu," sulat ni Ruru.
"Oh my God, you're 18 na? Happy birthday, cutie pie," sabi naman ni Maxene.
"Happy birthday, Ryzza!" dagdag ni Jo Berry.
Pitong taong gulang lamang noon si Ryzza Mae nang manalo sa Little Miss Philippines noong 2012, na naging simula ng kaniyang showbiz career.
Matapos na manalo, lumabas sa iba't ibang pelikula at televisions shows si Ryzza. Naging host din siya ng Eat Bulaga at ng sarili niyang TV show, ang The Ryzza Mae Show, na umere noong 2013 hanggang 2015.
MAS KILALANIN SI RYZZA MAE DIZON SA GALLERY NA ITO: