#JakBie: Barbie Forteza and Jak Roberto through the years
Ang lakas talaga ng #JakBie!
Sina Barbie Forteza at Jak Roberto ang isa sa mga tunay na #RelationshipGoals. Naging malapit ang dalawang Kapuso stars nang magtambal sila sa Kapuso TV series na 'Meant To Be.' Kung sa kuwento ng programa ay hindi nagkatuluyan ang kanilang characters, wala namang nakapigil sa kanilang pagiging reel-to-real life couple.
Kahit nagsisimula pa lang ang kanilang relasyon, pansin ang pagiging malapit ng dalawa sa pamilya ng isa't isa. Sa katunayan, para sa kanilang celebrations, suprises at maski na pranks ay madalas involved ang pamilya nila.
Pansin ding maraming pinagkakasunduan sina Barbie at Jak tulad ng pagva-vlog o TikTok, pagfu-food trip, pang-aasaran, at pag-alaga ng mga aso.
Sino nga bang hindi mapapa-#SanaAll sa #JakBie?
Silipin ang highglights ng kanilang love life sa gallery na ito.
Meant To Be
Kuha ito noong 'Meant To Be' days pa nina Jak Roberto at Barbie Forteza, ang mga araw na nagkakamabutihan na ang dalawa.
Fur babies
Magkasama rin nagpa-pet blessing ang dalawa para sa kanilang "fur babies." Ani Barbie, "Mommy and daddy duties... Here's Chin-chin and Bruno together with Hapilou and Jong jong."
Jokes
Nagkukulitan din ang dalawa madalas. Ani Barbie, "Excuse me po. Pwede po sumali sa picture? Kung okay lang."
Birthday surprise
Sinorpresa ni Jak si Barbie sa kanyang kaarawan noong July 31. Dinalan niya ito ng cakes, balloons at isang giant stuffed bear.
Third wheel
Nag-post Christmas celebration ang couple with Julie Anne San Jose. Ani Barbie, "Merry Christmas from the Asia's Pop Sweetheart, Asia's Popsicle, and Asia's Popcorn."
New Year
Nag-celebrate naman si Jak ng New Year with Barbie's family. Ani Jak, "Happy New Year! Thank you 2018, welcome 2019!"
Valentine's Day
Japan
Pumunta rin sina Jak at Barbie sa Japan noong Holy Week 2018 kung saan kasama nila ang kapatid ni Jak na si Sanya Lopez.
IN PHOTOS: Sanya Lopez, Jak Roberto and Barbie Forteza's trip to Japan
Glico
Sa kanilang Japan trip, hindi rin pinalagpas nina Jak at Barbie na magpa-picture sa sikat na Glico sign sa Osaka.
Kara Mia
Muling nagtambal sina Barbie at Jak sa Kapuso drama series na 'Kara Mia.'
I Wagyu!
Ipinagdiwang nina Barbie at Jak ang kanilang 2nd anniversary bilang couple sa isang Wagyu restaurant.
Warmth
Tiniis ng JakBie ang lamig ng Tagaytay weather nang magbakasyon ito sa lugar para ipagdiwang ang birthday ni Barbie Forteza.
Drawing
Kuha ito noong naging Artist of the Month si Barbie Forteza sa GMANetwork.com. Mukhang kuhang-kuha naman sa drawing niya ang pagkapogi ni Jak Roberto.
Family Day
Malapit si Jak Roberto sa mga magulang ni Barbie Forteza. Perfect son-in-law na kaya in the future?
Siblings
Kung malapitin si Jak sa pamilya ng kasintahan, ganun din si barbie Forteza sa kapatid ni Jak na si Sanya Lopez.
Makeup
Mukhang blooming si Barbie Forteza hindi lang dahil sa kanyang makeup, kundi dahil nandiyan si Jak Roberto.
Authentic Japanese food
Isa sa mga kinahiligan ng magkasintahan ang pagkain ng Japanese food lalo na ang wagyu steak.
Lockdown
Matagal nalayo sa piling ng isa't isa sina Barbie Forteza at Jak Roberto dahil sa quarantine laban sa COVID-19 pandemic. Muli silang nagkita after three months nang bisitahin ng aktor ang kanyang girlfriend sa kanyang tahanan.
23rd birthday
Sinigurado ni Jak Roberto na kapiling niya si Barbie Forteza sa 23rd birthday ng aktres.
Endorsement
Isang relationship milestone ang naabot nina Barbie Forteza at Jak Roberto nang magkaroon sila ng endorsement as a couple.
Jak's 27th birthday
Isang heartfelt at nakakakilig na greeting ang ibinahagi ni Barbie Forteza sa kanyang Instagram para i-celebrate ang 27th birthday ni Jak Roberto.
Romantic
Lumipas man ang panahon, nananatiling malambing at sentimental pa rin sina Barbie Forteza at Jak Roberto.
Barbie's special day
Noong birthday ni Barbie Forteza, isang sweet na larawan at message ang ibinahagi ng Kapuso hunk. Sinulat ni Jak Roberto sa caption, “Happy birthday to the love of my life! Sana matapos this year lahat ng pinapagawa mo! Amen. I love you so much.”
Vaccinated
Noong Hulyo 2021, sabay na nagpabakuna sina Barbie Forteza at Jak Roberto kahit na nakaranas sila ng baha at lindol sa araw na 'yon.
Reaction video
Mapapanood sa isa sa vlogs ni Jak Roberto na nagbigay ng wholesome reactions si Barbie Forteza sa kissing scenes at controversial photos ng kanyang boyfriend. Isa na rito ang larawan ng Kapuso actor kasama ang kanyang 'Stories From The Heart: Never Say Goodbye' co-star na si Klea Pineda.
28th Birthday
Sa ika-28 kaarawan ni Jak Roberto, muling ipinaramdam ni Barbie Forteza kung gaano siya ka-proud sa aktor. Aniya, "Alam kong makukuha mo lahat ng goals mo kasi masipag ka, mahal mo 'yung trabaho mo at higit sa lahat, mabuti kang tao. Tuloy mo lang 'yan mahal. Proud na proud ako sa 'yo."
Booster
Noong January 8, 2022, sabay na nagpa-booster shot sina Barbie Forteza at Jak Roberto para anila mapalakas ang panlaban sa COVID-19.