
Kamakailan ay masayang ipinagdiwang ng dating child star na si Eunice Lagusad ang kanyang 25th birthday.
Sa Instagram post ni Eunice tungkol sa kanyang mala-kiddie party, makikita ang kanyang mga larawan at at pati na rin ang kanyang mga bisita habang sila ay nasa isang kilalang fast food chain.
Kapansin-pansin ang glowing beauty ni Eunice habang suot ang kanyang white and pink na birthday outfit.
Ilan sa mga bisita ng aktres ay ang kanyang co-stars sa GMA's top-rating drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Kabilang na rito sina Jeff Moses, John Vic De Guzman, Denise Barbacena, Alchris Galura, Che Cosio, Alexandra Mendez, at marami pang iba.
Present din sa party si Direk LA Madridejos at ilang kabilang sa production team ng serye.
Ayon sa caption ni Eunice, “Totoo ang sabi nila, bida ang saya mag birthday sa Jollibee. Hindi po ito sponsored. Dream ko lang talaga mag birthday sa Jollibee. At natupad na nga sa 25th birthday ko dahil sa abot [Abot-Kamay Na Pangarap]. Not gonna lie, this is one of my best birthday (aside sa debut ko). Another core memory unlocked…”
Kasunod nito, pinasalamatan niya ang kanyang mga kaibigan at kaanak na tumulong at nakasama niya sa kanyang birthday party.
Bago pa ito, makikita sa isa pang Instagram post ni Eunice na nakatanggap siya ng sorpresa mula sa kanyang co-stars habang nasa taping sila ng serye.
Kasalukuyang napapanood si Eunice sa Abot-Kamay Na Pangarap bilang si Nurse Karen, ang isa sa mga kaibigan ni Doc Analyn (Jillian Ward).
KILALANIN ANG FORMER CHILD STARS NA SINA EUNICE LAGUSAD AT KRYSTAL REYES SA GALLERY SA IBABA: