IN PHOTOS: Celebrity motorcycle enthusiasts
Patuloy na dumarami ang mga artistang nahihilig sa pagmamaneho at pagkolekta ng mga motorsiklo.
Ilan sa mga artistang ito ay ipinapakita ang kanilang hilig sa big bikes sa pamamagitan ng paggamit nito sa ilang recreational rides kasama ang kapwa nilang riders. Ang iba naman ay itinuturing itong sport at lumalahok sa mga competitions sa Pilipinas at sa ibang bansa.
Ilan sa mga kilalang celebrity riders ay sina Dingdong Dantes, Jak Roberto, Jason Abalos, Jericho Rosales at marami pang iba. Ang iba sa kanila ay magkakasama pa sa isang grupo at sabay-sabay na nag-iikot gamit ang kanilang mga big bikes.
Sa mga kolektor ng mga motorsiklo, kilala ang isang premium Italian brand na Ducati. Ilan sa mga maituturing na enthusiasts nito ay sina Dingdong Dantes, Drew Arellano, at Richard Gutierrez. Ang iba naman ay bumibili ng iba't iba pang kilalang brands ng motorsiklo tulad ng Harley-Davidson, BMW at iba pa na swak sa kanilang pang-araw-araw na biyahe o pagsali sa mga competition.
Kilalanin ang iba't ibang mga celebrities na motorcycle enthusiasts sa gallery na ito.
Jason Abalos
Bukod sa pagta-travel kasama ang kanyang girlfriend na si Vickie Rushton, mahilig din sa pagmo-motor ang aktor na si Jason Abalos.
Ely Buendia
Katulad ng ibang celebrities, mahilig din sa motorcycle rides ang Pinoy rock icon na si Ely Buendia kasama ang kanyang grupo.
Jak Roberto
Noong 2019, sumali si Jak Roberto sa California Superbike School kasama ang Primetime King na si Dingdong Dantes.
Drew Arellano
Si Drew Arellano ay nagba-bike kasama ang kanyang riding group na Brap Pack.
Ryan Agoncillo
Isa ring fan ng Ducati ang host/actor na si Ryan Agoncillo.
Richard Gutierrez
Isa sa mga pinagkakaabalahan ni Richard bukod sa photography ay ang pagsakay sa kanyang bikes. Kilala rin si Richard bilang isa sa mga "three legit owners" ng Ducati Paul Smart sa Pilipinas.
Jericho Rosales
Kilala naman si Jericho bilang collector ng motorbikes. Parte rin siya ng grupo na Brap Pack.
Christopher Roxas
Ang hilig sa bikes ni Christopher Roxas ay suportado ng kanyang asawa na si Gladys Reyes. Napabalita pang nakatanggap si Christopher ng Royal Enfield motorbike mula kay Gladys bilang anniversary gift.
Aga Muhlach
Ang aktor na si Aga Muhlach ay isa ring fan ng motorbikes. Nagmamay-ari siya ng customized BMW R nineT.
Romnick Sarmenta
Si Nick Sarmenta ay mayroon umanong 3 big bikes sa kanyang collection. Ito ay ang Kawasaki W800, Harley-Davidson Sportster 48 at ang Harley-Davidson Street 750.
Matteo Guidicelli
Mula sa pagiging race car driver, nahihilig na rin ngayon sa big bikes si Matteo Guidicelli.
Jay Contreras
Nagsimula sa scooter bago nahilig sa big bike ang Kamikazee frontman na si Jay Contreras. Madalas bumiyahe si Jay kasama ang riding group na Cruiserheads.
Enrico Villanueva
Kabilang rin sa riding group na Cruiserheads ang retired PBA player at dating Ateneo Blue Eagles main man na si Enrico Villanueva.
Richard Yap
Ang Kapuso star na si Richard Yap ay isa sa mga aktor na mahilig sa motor. Sa guesting niya sa 'Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition,' nagbahagi pa siya ng ilang safety tips para sa mga kapwa niyang riders.
Kim Atienza
Ang TV personality na si Kim Atienza ay isang kolektor ng iba't ibang klase ng motorsiklo. Ibinabahagi niya ang mga ito sa kanyang YouTube channel.