Filtered By: Celebrity Life | News
lianne valentin
Celebrity Life

IN PHOTOS: Get to know Lianne Valentin

Naaalala n'yo ba ang dating child star na si Lianne Valentin? Dalaga na siya ngayon at patuloy na napapanood sa telebisyon.

Si Lianne ay dating napanood sa children show na Tropang Potchi kasama sina Bianca Umali, Miggs Cuaderno, Julian Trono, Ella Cruz, Sabrina Man, Miggy Jimenez, Lenlen Frial, at iba pa.

Ayon sa virtual inteview ng GMANetwork.com kay Lianne, "Friends pa rin ako with them, in touch pa rin ako [kina] Sabrina. Naka-work ko si Bianca before sa 'Kambal, Karibal,' 'Mulawin vs Ravena,' 'Maynila' so nakakausap ko naman sila, 'di nga lang katulad before kasi may kanya-kanya na kaming path [in] life."

Aminado si Lianne, 19, na nakaka-miss ang pagiging child star pero, habang tumatagal siya sa industriya, na-realize din niya na hindi basta-basta ang pag-aartista.

"Nakaka-miss din 'yung mga times ng 'Tropang Potchi' or like 'yung bata pa ako na nag-start pa lang ako maging artista.

"Siyempre, 'pag bata ka 'di ka lagi pinapagalitan or madali lang 'yung mga pinapagawa sa 'yo.

"No'ng time ng 'Tropang Potchi' para lang kayong naglalaro sa set pero the more na tumatanda ka, the more na binibigyan ka ng mas mahirap na role, do'n mo mare-realize na 'yung trabaho mo na 'to, 'yung pagiging artista, hindi lang s'ya simple.

"Malalim siya na type of work kasi you're portraying a role 'di ba, na galing sa imagination ng isang tao."

Malayo na nga ang narating ni Lianne. Mula sa pagiging child actor, nakakuha siya ng mga minor roles sa ilang programa ng GMA.

At ngayon, kinikilala na si Lianne bilang isang dramatic actress na napanood sa hit GMA afternoon series na Ang Dalawang Ikaw.

Siya ang supportive best friend at workmate ni Rita sa Kapuso soap opera. Pero alam n'yo ba na six years ang age gap ng dalawa? Gayunpaman, ani Lianne, madali naman daw silang nag-click ng kanyang Ate Rita, gayundin ng katambal nitong si Ken Chan.

"Nako super happy and super saya. Actually nakakasama ko na [sina] Kuya Ken and Ate Rita before sa mga guestings sa mga shows especially no'ng host pa 'ko sa 'Tropang Potchi.'

"So nage-guest na sila do'n so kahit papaano nakilala ko na sila pero mas nakilala ko sila lalo no'ng nag-start 'yung lock-in taping namin for 'Ang Dalawang Ikaw.'

"Super happy to work with them, they are super professional. Kapag kailangan mo ng tulong, maghe-help sila sa mga eksena, talagang bigayan para mapaganda lalo 'yung eksena.

"Talagang sa set namin, they make time to spend time with you, to bond with you, 'yung 'yung hanga ako sa kanila. 'Di mo makikita na kahit pagod na sila, meron pa ring smile sa mga faces nila and nakaka-lift ng mood 'yun sa amin kaya super happy ako to work with them."

Kilalanin pa si Lianne sa gallery na ito:

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.