Filtered By: Celebrity Life | Hobbies and Interests
Ken Chan
PHOTO COURTESY: akosikenchan (IG)
Celebrity Life

Ken Chan opens third branch of Cafe Claus in Eastwood Citywalk

By Dianne Mariano
Congratulations, Ken Chan!

Opisyal nang nagbukas ang ikatlong branch ng Christmas cafe ni Kapuso actor Ken Chan na Cafe Claus nitong Linggo, September 25, sa Eastwood Citywalk.

Para ipagdiwang ang special milestone na ito, nagkaroon ng masayang event na “Clauschella,” kung saan mayroong performances ang mga Kapuso artist gaya nina Jessica Villarubin, Jeremiah Tiangco, Betong Sumaya, Mark Bautista, at Glaiza De Castro.

Para kay Ken, masaya siya para sa pagbubukas ng ikatlong branch ng kaniyang Christmas-themed cafe.

“Sa pagtatayo ng business talaga, hindi mo maiiwasan d'yan na kabahan o magdalawang isip o mag-doubt sa kakayanan mo. Pero at the end of the day, maiisip mo na worth it naman lahat ng pinaghihirapan mo,” pagbabahagi niya sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

Ayon pa sa kaniya, itinayo nila ng kanyang business partners ang Cafe Claus dahil nais nilang manumbalik ang spirit of Christmas sa mga tao.

Aniya, “We came up with an idea na magkaroon ng isang restaurant na ang theme ay Pasko dahil gusto namin na maramdaman ng mga tao ulit 'yung ganda, saya, at sarap ng Pasko.”

Bilang isang business owner, maraming hamong kinaharap si Ken sa pagtatayo ng kanilang negosyo, at ang pinakamahirap daw ay ang pagkukwestiyon sa sariling kakayahan.

“'Yung mga challenge na kinukwestiyon mo 'yung sarili mo kung kaya mo, isa 'yun sa pinakamahirap na challenge na ikinaharap ko sa pagtatayo ng business na ito because parang kinakalaban mo na 'yung sarili mo e.

“Pero ang ginawa ko, of course, I have my full support from my family and also sa mga business partner ko, kay Ryan Kolton, my brother Mark Chan, and Chef Ge Garigade, na nandiyan na nagpapalakas ng loob ko,” kuwento niya.

Dagdag pa ng Sparkle artist, “And also the people na nagsasabi sa akin na ituloy ko itong business na ito because kakaiba siya, unique, and wala pa silang ganitong napupuntahan na klaseng lugar o cafe-restaurant dito sa Pilipinas. Worth it naman.”

Samantala, ang dalawang naunang branches ng Cafe Claus ay matatagpuan sa Tandang Sora, Quezon City, at Greenhills Promenade.

SILIPIN ANG CAFE CLAUS SA TANDANG SORA AT GREENHILLS PROMENADE BRANCHES SA GALLERY NA ITO.

Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.