Karel Marquez, level up ang pagiging certified plantita
Gaya ng maraming “plantitos” at “plantitas” ngayon, nakahiligan na rin ng singer at aktres na si Karel Marquez ang pag-aalaga ng halaman. Nagsimula raw siyang maging plantita dahil sa sunod-sunod na lockdown at palagi lamang siyang nasa bahay kaya ito ang naisip niyang pagkaabalahan.
Sa kaniyang pakikipaglaro bilang captain sa “Cash Landing On You” segment ng Eat Bulaga, ipinakita rin ni Karel sa EB dabarkads ang kaniyang plantita area na nilagyan niya ng indoor lighting o grow lights para raw mas mabilis lumaki at hindi mamatay ang kaniyang mga halaman na hindi masyadong naaarawan dahil nasa loob ang mga ito ng condo.
“May office ako sa halaman, inilipat namin dito ayan ang dami oh. Ayan grow lights po...talagang para sa halaman…para hindi mamatay,” kwento ng aktres.
Sa katunayan, ang kaniyang pagiging certified plantita, pinagkakakitaan na rin ngayon ni Karel. Sa kaniyang Instagram account, madalas na ipino-post ng aktres ang kaniyang mga binebenta na halaman.
Samantala, silipin naman sa gallery na ito ang ilan pang celebrities na certified plantitos at plantitas din: