Lucho Ayala, proud sa unang negosyo nila ng fiancée niyang si Emma Rueda
Isa nang ganap na celebrity entrepreneur ang aktor na si Lucho Ayala.
Sa kaniyang Instagram post, ipinakita ni Lucho ang bagong bukas na milk tea business niya at ng kaniyang fiancée na si Emma Rueda.
Photo source: @luchoayala_ (Instagram)
Sa mensaheng ipinadala ni Lucho sa GMANetwork.com, sinabi ng aktor, "Matagal ko naman na balak magtayo ng business. Eventually, dun din naman aabot mga kinikita ko sa shows ko."
Nabanggit din niya na itinayo nila ni Emma ang negosyo para makapag-ipon silang dalawa.
"Dahil na rin sa malapit na 'yung wedding namin ng fiancée ko, mas kinailangan ko madaliin ang pagtayo ng business para mas maka-ipon kami.
"Soon, mag-o-open pa kami ng iba pang businesses. We're starting small pa lang, for experience."
Ayon pa sa Kapuso actor, nakita niya ang demand ng milk tea sa ating bansa kaya ito ang napili niyang i-franchise.
"Since mahilig ang mga Pinoy sa milk tea, naisip ko why not cater to the demand.
"Nakita ko 'yung King & Queen Tea, concept nila is Buy 1 Take 1 forever.
"So, sino ba naman aayaw dun 'di ba? Kaya nag franchise kami.
"Good deal, good brand, very classy. At masarap siya. Imported din ang products. Kaya ito naisip namin itayo na business."
Bilang mag-business partners, hands-on daw ang magkasintahan sa kanilang first business.
Ayon sa Las Hermanas actor, nag-training pa sila para masigurong alam nila ang bawat produkto sa kanilang milk tea business.
"Business partners kami ng fiancée ko. Ito ang first business namin together, so very hands-on kami.
"Nag-training din kami kung paano magtimpla ng milk teas, kaya tumutulong talaga kami sa pagtimpla.
"Nakakapagod 'pag sobrang dami ng orders, pero masaya kasi ginagawa namin together," ani Lucho.
Samantala, kilalanin ang iba pang celebrities na nagbukas ng negosyo ngayong quarantine sa gallery na ito: