Filtered By: Celebrity Life | Hobbies and Interests
Maine Mendoza
Celebrity Life

Maine Mendoza, ipinakita ang kanyang nail polish collection

By Cherry Sun
Pangarap daw ni Maine Mendoza na magkaroon ng sarili niyang nail salon simula noong high school pa lamang siya. Silipin ang kanyang unique collection dito.

Sa pamamagitan ng Eat Bulaga YouTube channel, ipinasilip ni Maine Mendoza ang kanyang kakaiba at nakakatuwang collection - ang mga nail polish.

Source: mainedcm IG

Halos dalawang taon na rin daw nang magsimula si Maine na mangolekta ng mga nail polish. Pag-amin niya, iba ang sayang nararamdaman niya kapag nag-i-invest siya sa mga bagay na may kaugnayan sa mga kuko.

Kuwento ng dabarkad, “Medyo matagal na rin 'tong collection na 'to. Siguro magtu-two years na rin akong nagko-collect ng nail polish at ang nakakatawa doon kasi hindi ko naman talaga siya ginagamit. So binibili ko lang siya tapos dini-display ko lang siya. Tapos, siyempre another paandar, nilalagay ko siya rito. Ayan. So bumili rin ako ng nail tips para dito ko ilalagay. Dito ko lang gagamitin 'yung nail polish talaga.”

Dagdag din niya, “Hindi ko alam kung saan siya nagsimula pero high school pa lang ako dream ko na talaga magkaroon ng nail salon. Pero since medyo mahirap pa ang buhay ngayon, i-postpone muna natin 'yan. So nagko-collect muna ako ng nail polish.”

Sari-saring kulay ang ang nasa collection ni Maine ngunit hilig daw niya ang nail polish na may glitters. Samantala, para sa kanyang personal na gamit ay mas gusto niya ang nude at neutral colors.

Maliban dito, nangongolekta rin siya ng nail treatments at iba pang gamit pang-nail care, mga gamit para sa nail art, extra nail tips, nail polish remover na wipes, at kanyang personal na manicure at pedicure set.

Panoorin:

Maliban kay Maine, meron ding unique collections ang ibang celebrities tulad nina Alden Richards, Dennis Trillo, Kiray Celis, Rita Avila at Sharon Cuneta.

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.