Filtered By: Celebrity Life | Hobbies and Interests
Celebrity Life

Alden Richards promotes responsible gaming

By Dianara Alegre
Binigyang-diin ni actor-gamer Alden Richards ang importansya ng responsible gaming.

Isa ang gaming sa stress relievers ni Asia's Multimedia Star at Centerstage host Alden Richards ngayong may 2019 coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Sa kasalukuyan ay abala si Alden sa ilang commitments sa showbiz at kanyang game streaming. Sa panayam ng 24 Oras, ibinahagi ni Alden na nagagamit niya ang mga natutunan sa industriya para sa kanyang streaming

"'Yung pag-o-online streaming kasi parang ikaw 'yung direktor. Ikaw 'yung mag-iisip anong putol ng mga stream mo. Paano mo siya sisimulan. Paano mo gagawing mas enjoyable 'yung streaming sa mga nanonood,” aniya.

Dagdag pa ni Alden, buo raw ang suporta niya sa mga kapwa niya artista na nagsisimula na rin ng career sa game streaming.

“It's really a career. Being a livestreamer, being a gamer, helps you earn money as well. May income du'n,” aniya pa.

Alden Richards

Source: aldenrichards02 (IG)

Ibinahagi rin ng aktor na isa sa mga layunin niya sa game streaming ay ang promotion ng responsible gaming.

“I promote responsible gaming. We can all enjoy gaming pero pwede nating i-enjoy 'yun nang nagiging responsible.

“'Yung kinaganda ng gaming, parang hindi ako si Alden Richards du'n. I'm part of the gaming world. Pantay-pantay kami. It's a matter of skills, dedication and love for the game,” aniya.

Pinayuhan din niya ang mga nagnanais na pumasok sa naturang industriya na, “Hindi mo naman kailangan ng mamahaling gamit. Hindi mo kailangan ng daan-daang libong [game] setup para makapag-livestream ka.

“Kapag may laptop ka dyan, mayroon kang app. Maraming instructions sa YouTube. Actually, du'n lang din ako nagpa-guide and of course, du'n sa mga kaibigan ko,” sabi pa ni Alden.

Samantala, sa “Bawal Judgmental” segment ng Eat Bulaga nitong July 22 ay nagpahayag si Alden ng sariling saloobin tungkol sa sexual discrimination sa gaming industry.

Aniya, nakararanas ng diskriminasyon ang mga babaeng gamers dahil lamang sa kanilang sekswalidad, gaano man kahusay ang mga ito sa paglalaro.

“Dapat 'yung binibigay na respeto ng mga players sa mga lalaking gamer versus sa babaeng gamer, pantay lang po kasi 'yung skills po, halos pantay na. Marami na pong mga babaeng gamers d'yan,” dagdag pa ng actor-gamer.

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.