Filtered By: Celebrity Life | Hobbies and Interests
Celebrity Life

Robin Padilla, nagtayo ng vegetable garden sa kanyang balkonahe

By Marah Ruiz
Sinubukan ni Robin Padilla na magpatubo ng mga gulay sa isang makeshift vegetable garden na itinayo sa kanyang balkonahe.

Ngayong quarantine, isa si action star Robin Padilla sa mga sumubok na magtanim at magpatubo ng sarili niyang gulay sa bahay.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Robin ang pagtatayo nila ng isang makeshift vegetable garden sa kanilang balkonahe.

Makikita sa video na si Robin mismo ang naglagari ng kahoy para magawa ng frame para sa plastic sheeting at mga bangkong patungan ng mga paso.

Si Mariel at panganay nilang si Maria Isabella naman ang nagtanin ng mga halaman sa paso.

Makikita ding kasama ang ilan sa kanilang mga kasambahay sa proyekto.

"Ang pagtatanim at pag aalaga nito ay nakakapagpasigla ng araw at nakapagpapatibay ng loob dahil habang tinititigan ang pagbunga ng gulay maliwanag na ipinapakita nito na hanggat may tumutubong itinanim may pag asa ang henerasyon ngayon at ang paparating.... ngunit palagiang mag iingat dahil ang pag asa ay parang gulay kapag hindi pinag aralan maaaring itong mapeste at maglaho," sulat ni Robin sa kanyang caption.

Panoorin kung paano nila naubuo ang makeshift vegetable garden dito:


Ibinahagi din ni Robin na mas lalo niyang naintidihan ang mga magsasaka dahil naranasan niyang masira ang kanyang mga tanim.

"Tunay na may kalungkutan ang pagiging magsasaka kapag apektado ang kanyang mga tanim. Napakaliit ng aming taniman @marieltpadilla iilan pa lamang ang aming alagang mga gulay pero Napakasakit pa lang mapeste. Namatayan ako ng tatlong puno ng sili, kasalukuyang nanghihina ang 3 puno ng okra at 2 puno ng talong. Ang bilis ng paglaganap ng peste!" bahagi niya.


Nagawa naman niyang isalba ang ilan sa kanyang mga tanim, salamat na rin sa ibat ibang suhestiyon ng kanyang followers.

"Bismillahi arahman ni araheem 2 punong okra at 1 puno ng sili ang nagbigay ng pag asa na silay mabubuhay Alhamdulillah malalim na kasiyahan ang ibinigay ng tanawin na ito, isang tunay na aral ng halaman para sa atin na sila ay lalaban at lalaban din para mabuhay kahit pinepeste dahil Panginoong Maylikha lamang ang magsasabi kung oras mo na “finished or not finished pass your paper “. Kaawaan po sana tayong lahat ng Nag iisang Panginoong Maylikha at palagian niya tayong biyayaan ng kanyang pagpapatawad at pagpapala in shaa Allah," aniya.


Bukod sa pagtatanim, naging abala din ang mag-asawang Robin at Mariel sa paggawa ng sarili nilang tinapay.

Very proud din si Mariel na mas marami na siyang alam lutuin ngayon kesa noong bagong kasal pa lang sila ni Robin.

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.