GMA Logo
Celebrity Life

Kuya Kim Atienza, natutong magbutingting ng vintage motorbike habang naka-quarantine

By Marah Ruiz
Published March 20, 2020 7:01 PM PHT
Updated March 20, 2020 7:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Revilla posts P90K bail for graft case over alleged ghost flood control project
Dagan sa Panahon atong Sayran | Balitang Bisdak
Italian fashion designer Valentino passes away

Article Inside Page


Showbiz News



Dahil sa enhanced community quarantine, natutong magbutingting ng kanyang vintage motorbike si Kuya Kim Atienza.

Habang nasa ilalim ng enhanced community quarantine ang Luzon dahil sa COVID-19, hindi sinayang ng host na si Kuya Kim Atienza ang kanyang oras habang nasa bahay.

Dahil hindi niya mapapaandar at masasakyan ang mga motor, pinag-aralan na lang niyang magbutingting ng mga ito.

Sa pamamagitan ng isang online tutorial, natutunan daw niyang ayusin at linisin ang ilang bahagi ng kanyang motorsiklo.

Ibinahagi niya sa kanyang Instagram account ang ilang larawan kung saan makikitang binubutingting niya ang motor. May maikling video din kung saan pinaandar niya ang makina nito.

"Making the most of #covid19 quarantine, I learned how to overhaul, tune and balance the carbs of my vintage #bmwr75_5 I am so fulfilled! Thank you for the FB tutorial @classickit Today I cannot #rideeverysingleday," sulat niya.

Making the most of #covid19 quarantine, I learned how to overhaul, tune and balance the carbs of my vintage #bmwr75_5 I am so fulfilled! Thank you for the FB tutorial @classickit Today I cannot #rideeverysingleday

A post shared by Kuya Kim (@kuyakim_atienza) on


Isang motorbike enthusiast si Kuya Kim. May koleksiyon siya ng mga vintage bikes at mahilig ding sumakay sa mga big bikes.

Dahil sa kanyang hobby, naging kaibigan niya sina Dingdong Dantes, Drew Arellano, Ryan Agoncillo at marami pang iba na mga kapwa bike enthusiasts din.