WATCH: 'Prima Donnas' star Jillian Ward, nag-a la 'Mayi-mar' sa dagat
Ipinakita ng lead star ng Prima Donnas na si Jillian Ward na hindi lang siya magaling sa pag-arte dahil kaya niya ring sumayaw.
Sa kanyang post sa Instagram, ibinahagi ni Jillian kung paano siya nag-a la 'Mayi-mar' habang nasa beach.
Pinagsama ni Jillian ang kanyang pangalan sa Prima Donnas na Mayi at ang sikat na teleserye na MariMar.
Panoorin:
Bilib naman ang kanyang co-stars sa Prima Donnas na sina Althea Ablan at Elijah Alejo sa pagsayaw ni Jillian.
Please inset: Althea, Elijah
Huwag palampasin ang kapana-panabik na eksena ng Prima Donnas mamaya, January 8, pagkatapos ng Magkaagaw dahil sasabihin na ni Lady Prima (Chanda Romero) kung sino ang nagpapanggap lang na Claveria kina Donna Marie (Jillian), Donna Belle (Althea), Donna Lyn (Sofia Pablo), at Brianna (Elijah).