WATCH: Kyline Alcantara, nag-react sa mga sine-search sa kanya sa internet
Bikini. Boyfriend.
Ilang lang ang mga keywords na ito sa mga sine-search ng mga netizens tungkol kay Kapuso singer and actress Kyline Alcantara.
Sumabak si Kyline sa isang interview na gamit lamang ang autocomplete results ng mga bagay na sine-search sa kanya sa iba't ibang search engines.
Lumabas dito ang "kyline alcatara hot" na ikinagulat ng young actress.
"Huy! Kayo naman. Masyado naman kayo! Cute lang," pahayag niya.
Mas lalo pa niyang ikanagulat nang makita ang keywords na "is kyline alcantara dead."
"Grabe kayo! Lord, Diyos ko po. Huwag muna. I am enjoying my life," pahayag niya.
"Gusto kong mas mabuhay pa nang napakatagal. Gusto kong ma-enjoy ang creation ni God," dagdag pa niya.
Panoorin ang buong online exclusive Autocomplete Interview ni Kyline para sa GMANetwork.com.
WATCH: Kyline Alcantara reviews toys from the '90s
WATCH: Get 'unready' with Kyline Alcantara