Sino-sinong Kapuso male stars ang merong mahigit 1 milyong followers sa TikTok
Ilang male celebrities ng GMA ang mayroon nang 1 milyon o mahigit pa na followers sa sikat na video-sharing application na TikTok.
Kabilang sa mga ito sina Dennis Trillo, Jak Roberto, Michael Sager, at marami pang iba.
Bukod sa sinusubaybayan ng viewers at netizens ang projects nila sa GMA, tila nakaabang din ang TikTok users sa ilang life updates at cool videos ng kanilang celebrity idols.
Kilalanin ang Kapuso male stars at hotties na patok sa TikTok sa gallery na ito.
Dennis Trillo
Ang Love Before Sunrise lead actor na si Dennis Trillo ay mayroon nang 1.1 million followers sa TikTok.
Funny
Sa TikTok account ni Dennis Trillo, mapapanood ang ilan sa kaniyang funny videos na labis na kinagigiliwan ng kaniyang followers at fans.
Jak Roberto
Ang The Missing Husband actor na si Jak Roberto ay mayroong 2.4 million followers ngayon sa TikTok.
Pambansang Abs
Sa account ni Jak Roberto, mapapanood ang kaniyang post workout videos na humahakot ng libo-lIbong views mula sa kaniyang followers.
Dance videos
Ilan sa kanyang kadalasang content ay ang dance videos nila ng Sparkle actor at kapatid niya na si Rodjun Cruz.
Allen Ansay
Isa ang Sparkle star na si Allen Ansay sa most-followed Kapuso male stars sa TikTok. Sa kasalukuyan, mayroon na siyang 3.8 million followers.
Kilig
Bukod sa solo videos ni Allen Ansay, kinakikiligan din ang videos nila ni Sofia Pablo na mapapanood sa account ng una.
Michael Sager
May 1.3 million followers na sa TikTok ang Sparkada member at Abot-Kamay Na Pangarap actor na si Michael Sager.
Toned physique
Humahakot ng views sa TikTok ang videos ni Michael Sager, kung saan ipinapakita niya ang kaniyang toned physique.
Cool
Patok sa TikTok users ang cool videos ni Jeff Moses habang ipinapakita ang kaniyang talent sa pagsasayaw.