GMA Logo Carla Abellana pottery
Celebrity Life

Carla Abellana, sinubukan ang pottery

By Marah Ruiz
Published March 30, 2025 1:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Miss World Philippines queens take part in medical mission
Harry Styles to release new single 'Aperture' on January 23
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro

Article Inside Page


Showbiz News

Carla Abellana pottery


Sinubukan ni Carla Abellana ang pottery bilang bagong hobby.

Mahilig sa handmade crafts si Kapuso actress Carla Abellana.

Sa katunayan, isa sa hobbies niya ang paggawa ng mga sabon at kandila.

Ngayon naman, pottery ang sinubukan niya. Bumisita si Carla sa isang pottery studio para matutong gumawa ng mug.

Ibinahagi niya sa kanyang Instagram account ang ilang pictures niya sa studio pati na ng mug na nagawa niya.

"Always learning 🤲🏻," sulat niya sa caption ng post.

"Lovely! You did so well on your first mug, Carla 🤍," comment naman ng studio na Laro Ceramics sa kanyang post.

A post shared by Carla Abellana (@carlaangeline)

Ang studio na ang bahala sa firing at glazing sa mug at matapos ang dalawang linggo, natanggap na ito ni Carla.

"Done and ready. Another work of my hands. 🤲🏻," sulat niya.

A post shared by Carla Abellana (@carlaangeline)

Samantala, magiging available na sa Netflix ang hit murder mystery drama na Widows' War na pinagbidahan ni Carla at Bea Alonzo simula April 16.

Kuwento ito ng matalik na magkaibigan na susubukin ng matinding pagsubok matapos nilang mapangasawa ang mga lalaking parehong mula sa isang mayaman at makapangyarihang pamilya.

Bukod kina Carla at Bea, bahagi rin serye sina Tonton Gutierrez, Jeric Gonzales, Jackie Lou Blanco, Lito Pimentel, Timmy Cruz, Rita Daniela, Royce Cabrera, Jean Garcia, at marami pang iba.

SAMANTALA, SILIPIN ANG MGA SOAP CREATIONS NI CARLA ABELLANA DITO: