Mommy Grace Tanfelix, foodtrip mode sa 'Okay Na Tour'
Maliban sa pagiging busy sa kusina, sumabak din sa foodtrip si Mommy Grace Tanfelix.
Sa Facebook ng nanay ng Mga Batang Riles star na si Miguel Tanfelix, ibinahagi niya ang isang video kung saan makikitang nagfo-foodtrip ito sa isang street food spot.
Kitang-kita sa video kung paano nag-e-enjoy si Mommy Grace habang tinitikman ang iba't ibang street food favorites tulad ng isaw at barbecue.
"Okay Na Tour! Saan ang sunod? Comment down below," tanong nito sa mga netizens sa caption.
Kamakailan lamang, nagtinda si Mommy Grace sa isang siomai stand. Ang "Okay Na Tour" ay nagsimula nang imungkahi ng isang netizen ang ganitong uri ng content.
Naging patok ang katagang "Okay na 'To" ni Mommy Grace sa kaniyang mga cooking videos na ngayon ay ginagamit na sa iba't ibang mga memes at videos.
Lumabas na din si Mommy Grace bilang guest character sa Mga Batang Riles. Ibinahagi rin niya sa kaniyang Instagram account ang isang teaser para sa kanyang bagong cooking project.
Kilalanin si Mommy Grace Tanfelix sa gallery na ito: