Leptospirosis, Sa Daga Nga Lang Ba Nakukuha?
Ayon sa Department of Health, endemic sa tropical countries tulad ng Pilipinas ang sakit na Leptospirosis.
Sa panahon ng tag-ulan, nababahala ang mga tao sa paglusong sa baha dahil sa panganib na ito ay maaaring kontaminado ng ihi ng daga.
Ngunit, sa daga nga lang ba nag-uugat ang infectious disease na ito?
Ang leptospirosis ay mula sa mikrobyong tinatawag na Leptospira Bacteria. Nanggagaling ito sa ihi ng mga infected na hayop, at kadalasan ay humahalo sa tubig baha at pati na rin sa putik.
“Kung ihahalintulad natin sila sa ibang sakit, ito ay tinatawag nating Zoonotic kasi ito ay naisasalin magmula sa hayop patungo sa tao,” ani ni Dr. Napoleon L. Arevalo, Director IV of DOH.
Di natin maipagkakaila na sa daga karaniwang nakukuha ang leptospirosis. Binigyang linaw ni Dr. Clarence Panawan, isang veterinarian, ang dahilan ng pagka-typecast sa mga daga bilang sanhi nitong disease.
Ayon sa kanya, “Rodents usually have the capability na mai-maintain yung leptospirosis sa kidneys nila for a long time, so they have the capacity to be subclinical of the disease.
"Ibig sabihin, may disease pero yung infection doesn't show. Ang leptospirosis kasi, once na nasa kidney, it is excreted to the urine.”
Sa katunayan, natatamo rin ito mula sa ihi ng ibang hayop gaya ng baka, baboy, at kambing.
Maliban naman sa mga hayop, napapasok din sa katawan ng isang tao ang leptospirosis sa pamamagitan ng pag-ingest ng pagkain na nahaluan ng sinabing bacteria.
Maaari din itong makapasok sa ibang bahagi ng ating katawan tulad ng mata, ilong, bibig, kabilang na rin ang open wounds.
Alamin ang mga karanasan ng mga biktima ng leptospirosis dito sa episode ng The Healthy Juan: