Derrick Monasterio shares fitness tip for beginners
Bukod sa pagiging mahusay na aktor at performer, isang fitness buff din si Return To Paradise actor Derrick Monasterio.
Sa panayam ng GMANetwork.com, nagbahagi ng isang fitness tip si Derrick para sa mga nagsisimula pa lamang dito.
Aniya, “Maging consistent lang sila kasi 'yung pinakamahirap d'yan 'yung first few days to first two weeks. Kapag na-overcome nila 'yon, magiging routine na sa kanila 'yon na parang second nature na nila ang fitness.
“Gano'n lang din ako, e. Tinry ko lang talagang ilagay siya sa schedule ko hanggang sa hinahanap na siya ng body ko. Consistency lang talaga,” patuloy niya.
Proper diet at workout naman ang naging paghahanda ni Derrick para sa kanyang role bilang Red Ramos sa afternoon drama series na Return To Paradise.
“I had to trim down kasi bago ako pumasok sa show, medyo bulky ako. Kailangan ko magpaliit ng kaunti. Working out pa rin and diet,” pagbabahagi niya.
Mapapanood si Derrick Monasterio sa Return To Paradise tuwing Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
SILIPIN ANG CAREER ACCOMPLISHMENTS NI DERRICK MONASTERIO SA GALLERY NA ITO.