GMA Logo kristoffer martin
Photo source: 24 Oras, kristoffermartin_ (IG)
Celebrity Life

Kristoffer Martin, naghahanda na para sa Ironman race

By Karen Juliane Crucillo
Published March 13, 2025 11:24 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Revilla posts P90K bail for graft case over alleged ghost flood control project
Dagan sa Panahon atong Sayran | Balitang Bisdak
Italian fashion designer Valentino passes away

Article Inside Page


Showbiz News

kristoffer martin


Determinado si Kristoffer Martin sa kaniyang training para sa nalalapit niyang Ironman race.

Mas naging seryoso na nga ang Kapuso actor na si Kristoffer Martin sa pagkakaroon ng healthy at active lifestyle.

Ayon sa report sa "Chika Minute" nitong Miyerkules, March 12, naghahanda na raw ang aktor para sa sasalihang Ironman race. Bukod dito, goad din daw niya ang makasali sa isang competition abroad.

Inspirasyon niya daw sa pagiging active ang kaniyang anak na si Prè.

"Kailangan nagse-set tayo ng good example sa anak natin. Ako, doon kay Prè, kasi hindi ko naman siya pinipilit mag-swim or gawin yung mga ginagawa ko pero nanonood siya," sabi ni Kristoffer.

At dahil patuloy siyang napapanood ng kaniyang anak sa kaniyang mga ginagawa, nabanggit ni Prè na gusto rin daw nitong mag-swimming.

Kamakailan lamang, nanalo si Kristoffer ng 3rd place sa kaniyang sinalihang triathlon sa Subic.

Ang aktor ay mas naging active din sa pagtakbo kasama ang iba pang Kapuso stars na sina Alden Richards at Barbie Forteza.

Samantalang, si Kristoffer ay naghahanda din sa kaniyang pagbabalik sa GMA Afternoon Prime sa pamamagitan ng bagong seryeng Cruz Vs. Cruz.

Makakasama ni Kristoffer sa serye sina Vina Morales, Gladys Reyes, Neil Ryan Sese, Lexi Gonzales, at Pancho Magno.

Panoorin ang buong balita dito:

RELATED: Kristoffer Martin's secret to staying fit and healthy