David Licauco's behind-the-scenes photos at the 'Bench Body of Work' fashion show
Ipinakita ni Pambansang Ginoo David Licauco ang ilang behind-the-scenes mula sa naganap na "Bench Body of Work" sa Mall of Asia Arena sa Pasay City noong Biyernes, March 21.
Kabilang si David Licauco sa celebrities na rumampa sa fashion show kung saan nag-topless ito at ipinakita ang kanyang toned body.
Sa behind-the-scenes photos, makikita ang ilang moments ni David Licauco sa stage kasama sina Kathryn Bernardo, Derrick Monasterio, Dingdong Dantes, at P-pop Kings SB19. Tingnan sa gallery na ito:
Kathryn Bernardo and David Licauco
Ipinakita ni David Licauco ang onstage moment sa "Bench Body of Work" fashion show kasama si Kathryn Bernardo, kung saan nakangiti sila sa isa't isa.
David Licauco with P-pop Kings SB19
Nakasamang rumampa ni David Licauco sa "Bench Body of Work" fashion show ang P-pop Kings SB19.
Derrick Monasterio and David Licauco
Na-meet din ni David Licauco sa fashion show ang Kapuso hunk at SLAY actor na si Derrick Monasterio.
David Licauco and Dingdong Dantes
Ipinakita rin ni David Licauco ang moment nang makipagkamay kay Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa stage ng "Bench Body of Work."
Alden Richards
Bukod kay David Licauco, rumampa rin sa "Bench Body of Work" fashion show si Asia's Multimedia Star Alden Richards.
Topless
Sa "Bench Body of Work" fashion show, sinorpresa ni David Licauco ang lahat nang mag-topless at ipinakita ang kanyang abs.
Showbiz
Kuwento ni David Licauco, minsan kapag nakakakita siya ng malaking stage at napapasama sa ganito kalaking event ay binabalikan niya kung paano siya nagsimula sa showbiz.
Opportunities
"Grateful" at masaya si Pambansang Ginoo David Licauco sa mga dumarating na oportunidad sa kanya.