IN PHOTOS: The iconic transformation and fashion evolution of Paolo Ballesteros
Isa sa itinuturing na Philippine icon pagdating sa make-up transformation at unique fashion styling ang TV personality na si Paolo Ballesteros.
Sa paglipas ng mga taon, mas nagiging loud and proud si Paolo sa kanyang fashion statement at nakamamanghang transformations.
Saksi ang maraming fans sa stand-out looks ni Paolo sa kanyang mga proyekto, mapa-telebisyon man o pelikula.
Lalong naipakita ni Paolo ang pagiging creative niya sa pag-host ng 'Drag Race Philippines.'
Balikan ang naging fashion evolution ni Paolo sa gallery na ito.
Paolo Ballesteros
Ika nga ng iba, "fashion is a form of expression." Kaya naman marami ang napabibilib sa unique style ni Paolo.
Teenage years
Mula sa pagiging simpleng binata noong kanyang kabataan, sinong mag-aakala na magiging idolo si Paolo ng maraming Pinoy pagdating sa pananamit?
Selfie
Nagsimula sa pagsusuot ng simpleng polo shirt ay unti-unting nag-level-up ang pananamit ng fashion icon.
Long hair
Tulad ng marami, nasubukan din ni Paolo ang magpahaba ng buhok gaya sa sikat na British singer na si Harry Styles.
Boho
Trendsetter din si Paolo noon sa pagsusuot ng boho look outfit sa kanyang noontime show na 'Eat Bulaga.'
Punk
Minsan na ring naimbitahan si Paolo ng sikat na Pinoy fashion photographer na si BJ Pascual sa isang Punk-inspired photoshoot.
Drag make-up
Sa rami ng mga make-up gurus ngayon, si Paolo pa rin ang isa sa masasabing pinakamahusay pagdating sa drag make-up.
Lola Tidora
Isa sa hindi malilimutang karakter ni Paolo sa telebisyon ay si Lola Tidora, ang isa sa mga lola ni Yaya Dub (Maine Mendoza) sa phenomenal segment ng 'Eat Bulaga' na 'Kalyeserye' kung saan iba't ibang make-up transformations din ang kanyang ipinakita.
Modern classic
Kahit moderno na ang panahon, isinasabay pa rin ni Paolo ang kanyang mga modern classic outfit gaya na lamang nitong denim jumpsuit na kanyang isinuot sa noontime show.
Unique
Ang pagiging confident at unique ni Paolo ang mas nagpapaguwapo (o nagpapaganda) sa kanya, kaya naman patuloy siyang minamahal ng mga tao.
Redefining expressions
Kamakailan, inilabas ng isang sikat na local magazine ang kanilang latest feature tampok si Paolo Ballesteros na may katagang 'Redefining Expressions.'
'Drag Race Philippines'
Isa si Paolo sa mga host ng 'Drag Race Philippines,' na hango sa sikat na reality competition na 'RuPaul's Drag Race'