
Handang-handa na sa kanilang magiging look ang Kapuso heartthrobs na sina Kelvin Miranda at Jak Roberto para sa nalalapit na GMA Gala 2024.
Sa magkahiwalay na Instagram post ng Sparkle GMA Artist Center, ipinasilip nina Kelvin at Jak ang ginagawang preparasyon. Sa nasabing post, makikita ang dalawang aktorkasama ang kani-kanilang designers at stylists.
Ang fashion designer na si Paul Cabral ang gagawa ng susuotin ng Sang'gre actor na si Kelvin para sa GMA Gala.
Sa isang post, makikita namang sinusukatan ng fashion designer na si Jhobes Estrella ang Black Rider actor na si Jak Roberto.
SAMANTALA, BALIKAN ANG NAGING LOOKS NG ILANG CELEBRITIES SA GMA GALA 2023 SA GALLERY NA ITO: