IN PHOTOS: The talented Kapuso siblings
Kilalanin ang mga magkakapatid na Kapuso celebrities na nagpapakita ng kanilang galing sa kani-kanilang showbiz career.
Rayver and Rodjun Cruz
Nagsama na ang Cruz brothers na sina Rodjun at Rayver para sabay na maipakita ang kanilang mga talento sa Kapuso network. Matagal nang Kapuso at naging parte ng iba't ibang programa si Rodjun. Sa pagbabalik naman ni Rayver sa GMA Network matapos ang 16 taon ay bumida naman siya sa 'Asawa Ko, Karibal Ko.'
Jak Roberto and Sanya Lopez
Parehas na nagpakita ng husay sa kani-kanilang mga careers sina Jak Roberto at Sanya Lopez sa mga pinagbidahan nilang mga Kapuso shows. Isa sa mga tumatak na proyekto ni Jak ay ang 'Meant to Be' at si Sanya naman ay gumanap bilang isang Sang'gre sa 'Encantadia.'
Megan and Lauren Young
Ang Young sisters na sina Megan at Lauren ay napatunayan na ang kani-kanilang mga husay sa mga Kapuso drama shows.
Mavy and Cassy Legaspi
Sa pagpasok nina Mavy at Cassy Legaspi sa mundo ng showbiz ay pumirma sila ng kanilang kontrata sa GMA Network. Sila ay napapanood ngayon sa 'Studio 7' at sa 'Sarap, 'Di Ba?' kasama ang kanilang ina na si Carmina Villarroel.
Angelika and Mika dela Cruz
Sinundan ni Mika dela Cruz ang yapak ng kanyang ate na si Angelika dela Cruz sa pagpasok sa showbiz. Kasunod nito ay ang kanyang paglipat rin sa Kapuso network noong 2016.