Filtered By: Celebrity Life | Family
Mimiyuuuh
Source: mimiyuuuh (YT) and mimiyuuuh (FB)
Celebrity Life

Mimiyuuuh, ipinaliwanag kung bakit 'hindi special' ang Pasko nila noon

By Aedrianne Acar
“Kasi parang dati, naiinggit ako siyempre sa ibang family na nagce-celebrate talaga ng Christmas”- Mimiyuuuh

Napa-reminisce ang content creator at endorser na si Mimiyuuuh sa naging karanasan ng kaniyang pamilya tuwing Pasko, bago nakilala sa mundo ng vlogging.

Sa Instagram post ni Mimiyuuuh, ibinahagi niya ang ilang throwback photos kasama ang mga kamag-anak habang nagtitinda noon sa may Baclaran Church sa Parañaque City.

Kuwento ng YouTuber tungkol sa throwback photos niya, “Alam [n'yo] po dati, parang normal day lang po sa amin ang Pasko. Hindi po kami nakakapag-celebrate kasi nagtitinda po kami kinagabihan tapos sa araw po ng pasko, tutulog na lang po kami tapos kakain tapos titinda po ulit.

“Watch our mukbang vlog po as I reminisce, REMENISCE?!?!? kung paano po kami nagce-celebrate ng Pasko nung nasa Baclaran pa po kami.

Samantala, ipinaliwanag ni Mimiyuuuh sa isang mukbang vlog kasama ang mga kapatid na sa tuwing sasapit ang December 24, ang kaniyang pamilya ay abala sa kanilang negosyo.

Pagbabalik-tanaw niya, “Nung Pasko namin nung hindi pa po ako nagva-vlog, siyempre wala pa po kami masyadong pera noon.”

“And I really felt nung Christmas po namin dati, parang hindi talaga siya special. Kasi, parang every Christmas parang nafi-feel ko po obligated ako mag-work, mag-tinda, kasi nga tutulong kami sa parents namin.”

Dagdag ni Mimiyuuuh, “So hindi kami, nakaka-celebrate ng Christmas talaga. It's just a normal day and dati po, wow nag-open up, kasi parang dati, naiinggit ako siyempre sa ibang family na nagce-celebrate talaga ng Christmas 'di ba. 'Yung may talagang event sila, may program ganiyan. Since, puyat po kami ng [December] 24 kasi nagtitinda kami sa Baclaran, Simbang Gabi ganiyan.

“'Yung Christmas namin ikakain na lang namin. Tapos tutulog kami,”

Panoorin ang buong vlog ni Mimiyuuuh below:

SILIPIN ANG ILAN SA MGA NAIPUNDAR NG MGA SIKAT NA SOCIAL MEDIA STAR DITO:

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.