Filtered By: Celebrity Life | Family
Carmina Villarroel
Celebrity Life

Carmina Villarroel, ikinuwento ang gagawin kapag hindi gusto ang kaibigan ng mga anak

By Maine Aquino
Ano ang gagawin ni Carmina kapag naharap siya sa sitwasyon na ito ang mga anak na sina Mavy at Cassy Legaspi?

Ibinahagi ni Carmina Villarroel kung sakaling hindi niya gusto ang karelasyon o kaibigan ng kanyang mga anak na sina Mavy at Cassy Legaspi.

Ito ay inamin ni Carmina sa latest episode ng podcast nila nina Candy Pangilinan, Gelli, at Janice De Belen na "Wala Pa Kaming Title"

Ang topic sa episode na ito ay kung ano ang gagawin nina Carmina, Candy, Gelli, at Janice tungkol sa mga kaibigan o karelasyon ng mga anak nila sakaling hindi nila ito gusto.

Carmina Villarroel Zoren Mavy and Cassy Legaspi

Photo source: @mina_villarroel



Pag-amin ni Carmina sa podcast ay maganda na nakakausap niya ang mga anak na sina Mavy at Cassy kaya alam niyang madali niya itong maha-handle.

Saad niya, "Ako kasi, whether pang-friends, pangkapitbahay, kaeskwela, very open kami e. Kilala ko 'yung mga kaibigan ng mga anak ko. So 'pag nagkukwento sila or may nakita ako or na-witness ako, sinasabi ko right away. Na hindi ko siya type, kasi ganito. Whether kaibigan or kapitbahay sinasabi ko agad."

Sunod naman na tanong ng tatlo ay paano kung may ipapakilala ang mga anak na hindi niya feel ang personality. Sagot ni Carmina, "Sasabihin ko sa anak ko na parang may off... Parang may off lang, I don't want to judge."

Dugtong ni Carmina, bibigyan pa rin niya ito ng chance para kilalanin.

Isa pa sa ibinahagi ni Carmina ay ang kahalagahan ng close relationship ng isang magulang sa anak para madaling mapag-usapan ang mga bagay na ganito.

"It's really important din to have a close relationship with your kids. Kung paano mo sila pinalaki, 'yun 'yung makukuha nila na kind of friends or girlfriend."

Saad pa ng Sarap, 'Di Ba? host, "More or less feeling ko, this is my case ha, sa friends wala akong problema. Siguro nga dahil sa pagpapalaki namin, or sa guidance, or sa constant communication namin 'yung mga dapat iwasan.

Ipinaliwanag niya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng magandang foundation isang anak.

"Kasi you can choose your friends. You can't choose your family, but you can choose your friends. Parang siguro bago pa umabot sa gano'n. 'yung foundation muna.

Pagpapatuloy pa ni Carmina, "'Di ko sinasabing maging perfect kayo, pero alam n'yo naman siguro kung ano ang right and wrong."

Panoorin ang kanilang nakakatuwang kuwentuhan dito:


Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.