Paolo Contis shares 'A Day in the Life of Summer'
Ibinahagi ni Paolo Contis kung ano mga ginagawa ng kaniyang anak na si Summer.
Ayon sa post ni Paolo, alam niyang nami-miss ng kaniyang subscribers ang kaniyang anak kaya ginawa niya itong video.
Photo source: Paolo Contis (YouTube)
"Alam kong na-miss niyo ang contents pero hindi dahil sakin! Kundi dahil kay Summer! Pwes eto siya! Magsawa kayo! Hahaha! Watch niyo hanggang dulo! Para makita niyo sino tinatawagan ni Summer! "
Ilan sa mga pinagkakaabalahan ni Summer ay ang paglilinis sa kaniyang at home playground at bonding kasama ang ama na si Paolo.
Bukod rito ay ipinakita ni Paolo ang kanilang pag-ikot sa loob ng village bilang paraan ng pamamasyal ng kaniyang anak.
"Isa 'to sa mga daily routine namin ni Summer. Everyday yan kasi gusto ni Summer nakakalabas ng bahay kasi walang mapuntahan, walang mall hindi siya puwede so ito na 'yun."
Dugtong pa ni Paolo ay kasama lagi si LJ Reyes sa kanilang pamamasyal pero nagkataon na noong ginawa niya itong vlog ay may trabaho si LJ.
"Normally kasama si LJ nasa trabaho siya ngayon sa bahay. Para rin tahimik."
Nilinaw naman ni Paolo na kaya nasa harap ng sasakyan si Summer ay dahil sa loob lang sila ng village at mabagal lamang ang kaniyang pagmamaneho.
Saad ng aktor, "Sa loob lang ng village 'to. Kaya nasa harap si Summer."
Sa vlog na ito ay nagkaroon rin ng bonding sina LJ at Summer pagkatapos ng kaniyang trabaho.
Panoorin ang cute na video ni Summer dito:
Silipin naman ang mga adorable moments nina Paolo at Summer sa gallery na ito: