
Nakaka-antig ang Instagram post ng Kapuso comedian na si John Feir tungkol sa kanyang Mamung.
Matatandaan na nitong lamang Pebrero, namatay si Mamung sa edad na 84.
Sa post ng Pepito Manaloto star nito lamang Lunes, July 27, sinabi nito na ito ang unang birthday ni Mamung na wala siya sa bahay.
Saad ni John, “Mamung's 85th birthday. Happy birthday Mamung first time na wala ka sa bahay sa iyong kaarawan. We love you Ma.”
Napa-react naman sa birthday post na ito ni John Feir ang kapwa Kapuso niya na sina Manilyn Reynes at Rodjun Cruz.
Sa sumunod na post naman ni John Feir kahapon, ipinasilip niya ang special bike na ipinangalan niya kay Mamung.
Nag-comment pa ang award-winning comedian na si Michael V. sa larawan na ito ni John at sinabing magandang “tribute” ang ginawa na ito ng kaibigan .
RELATED LINKS:
John Feir and Arthur Solinap review a drone in Michael V's vlog
YouLOL: Hotdog ni Patrick, dudurugin ni Baby?!
Pepito Manaloto: Palpak na naman si Patrick! | Episode 387