EXCLUSIVE: Paolo Contis on his daddy duties to Baby Summer Ayanna: "Kakapagod pero masaya."
Busy man sa taping ng kaniyang panibagong show na Hiram Na Anak at sa pag-aalaga ng kaniyang newborn daughter na si Baby Summer Ayanna, energetic at masiyahin pa rin ang Kapuso actor-comedian na si Paolo Contis.
#StarStruckBaby: Photos of Summer Ayanna Contis that will make you go 'Aww'
Sa pictorial ng Hiram Na Anak, eksklusibong nakapanayam ng GMANetwork si Paolo upang kumustahin ang kaniyang family life sa kabila ng kaniyang hectic schedule.
Aniya, "It's always a pleasure to go home kahit late after work. Wala pa siyang laban 'eh kaya ang sarap-sarap laruin.
“It's hard to leave her lang, medyo busy kasi sobra ngayon sa taping pero may CCTV naman sa room so lagi ko siyang nakikita."
Napapagod ba si Paolo sa kaniyang bago at busy na lifestyle?
"Puyat, sobra!” sagot ni Paolo.
Sabay kuwento niya, “Kasi, gising siya ng gabi and LJ and I are very hands-on.
“Wala pang puwedeng humawak. We have a yaya pero sa ngayon, sa clothes [lang siya].
“When it comes to ligo ng bata, padede, lahat, it's me and LJ lang. Kakapagod pero masaya.”
Abangan si Paolo Contis sa Hiram Na Anak, soon on GMA.