Celebrity Life

Rufa Mae Quinto and Trevor Magallanes celebrate second wedding anniversary

By Nherz Almo
Published November 26, 2018 4:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Miss World Philippines queens take part in medical mission
Harry Styles to release new single 'Aperture' on January 23
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro

Article Inside Page


Showbiz News



Rufa Mae Quinto: “Nangarap ako, nag dasal… nakatagpo ako ng mag mamahal ng habang buhay sa akin.”

Sa araw ng ikalawang anibersayo ng kasal nina Rufa Mae Quinto at Trevor Magallanes, muling inalala ni ng aktres ang magandang pagkakataong nangyari sa kaniyang buhay--ang matupad ang pangarap niyang magkaroon ng pamilya.

Sa pamamagitan ng Instagram post kahapon, November 25, ibinahagi ng kilalang comedienne ang kaniyang lubos na pasasalamat sa pagkakakilala nila ni Trevor.

Aniya, “Nangarap ako, nag dasal, naniwala ako sa sarili ko na mabuti akong tao, for sure I'll have my own family.

“Hinde naging mabilis Pero nangyari.. nakatagpo ako ng mag mamahal ng habang buhay sa akin, na magbibigay ng apelyedo,puso, buhay at anak sa akin.”

Kasunod nito ay nagbigay siya ng mensahe sa ama ang kaniyang one-year-old daughter na si Alexandria.

Sabi ni Rufa Mae kay Trevor, “Maraming Salamat my love. I love you and you are the reason why I wake up to live.

“And make sure, I take care of our daughter @alexandriamagallanes kasi mahal na mahal kita.

“Gusto ko maging kampante ka mag tatarabaho! Todo na happy 2nd year wedding anniversary! Go go go.”

Nangarap ako , nag dasal , naniwala ako sa sarili ko na mabuti akong tao, for sure I'll have my own family. Hinde naging mabilis Pero nangyari.. nakatagpo ako ng mag mamahal ng Habang buhay sa akin, na magbibigay ng apelyedo,puso, buhay at anak sa akin. Maraming Salamat my love. I love you and you are the reason why I wake up to live. And make sure , I take care of our daughter @alexandriamagallanes kasi mahal na mahal kita. Gusto ko maging kampante ka mag tatarabaho ! Todo na happy 2nd year wedding anniversary ! Go go go @trevvvsilog #november252016

Isang post na ibinahagi ni Rufa Mae Quinto (@rufamaequinto) noong

Sinagot naman ito ni Trevvor, “Thanks babe. My love for you hasn't changed. Thanks for being the best wife and mom.”

Double celebration din ang araw na ito para sa mag-asawang sina Rufa Mae at Trevor dahil ipinagdiriwang ng huli ang kaniyang kaarawan.

Sa hiwalay na post, binati ni Rufa Mae ang kaniyang asawa, “Happiest birthday my love @trevvvsilog todo na to !!!”

Love begins with one hello! So yesss! Hello and hello !!! 👋 double celebration! Happiest birthday my love 😍 @trevvvsilog todo na to !!! Happy 2 nd year wedding anniversary! Todo na to babe. Simple lang , ngayon lang tayo di mag kakasama Pero sa Pasko Yesh! We will see u ... doon nalang tayo mag gift giving Work there muna, Punta muna kami mamaya korea for work/ taping ni @alexandriamagallanes we will see @hsh.abscbn and little snow ⛄️ flakes falling from the 🌌 #anyeong

Isang post na ibinahagi ni Rufa Mae Quinto (@rufamaequinto) noong