Maja Salvador not yet ready to show Maria to the public: 'Ang hirap kasi ngayon'
It's been almost 10 months since Maja Salvador gave birth to her first child, named Maria, but she remains careful about showing her baby's face to the public.
“Bigay n'yo muna sa akin kasi ine-enjoy ko talaga,” the actress-dancer-TV host told the media in an interview after renewing her endorsement deal with Beautéderm on Wednesday, March 26, at the Solaire Resort North in Quezon City.
She continued, “Ang hirap kasi ngayon, lalo na 'yung AI, natatakot ako na gamitin in the future. Kasi, maski ako, tayong lahat, hindi natin alam ginagamit na 'yung pictures natin, may ine-edit silang videos 'tapos pinatong nila somewhere, di ba?”
Despite this, Maja and her husband, Rambo Nuñez, were grateful that there were brands that still chose their daughter to be an endorser.
“Yes, meron na siyang mga endorsements and we are very thankful and grateful sa brands na nagtitiwala at gusto pa rin siyang maging endorser kahit na pata-pata lang ang ipinapakita o mga likod o yung ulo lang niya, puro back shot. Sobrang thankful kami kasi nga may mga bagong pamilya kami, new brands na ine-endorse niya.”
Likewise, Maja said she appreciates people who respect her daughter by not posting her photos when seen in public.
She said, “Hindi talaga po muna [namin ipapakita]. But natutuwa kami kapag, kunwari may alis kami, siyempre, hindi mo naman talaga tatakpan 'yung bata. Pero may respeto rin 'yung mga tao na alam nilang ayaw pa namin i-post. O kunwari may biglang nag-picture, nandiyan ang mga kasamahan namin na nakikiusap na huwag na i-post at nirerespeto naman nila.”
Then, she joked to the media, “Mamaya ipapakita ko siya pero no phones.”
Aside from the AI threat, Maja also wanted to protect her child from online bashing.
“Alam n'yo po, nag-umpisa kasi 'yan… marami akong kaibigan sa industriya na mayroong anak. 'Tapos, yung mga inosenteng bata, pino-post lang dahil gusto ng mga magulang. Siyempre, anak, proud.
“'Yung mga perfect na tao, kung maka-bash ay wagas. Alam n'yo po 'yun? Siyempre, bilang isang ina, bilang isang tao, ayaw ko.
“Ako naman, hindi ako patolera pero feeling ko parang may lalabas na ibang Maja na [kapag] i-post ko 'yung anak ko, 'tapos, may feeling perfect na tao na magko-comment na hindi maganda sa anak ko.
“Yun ang iniiwasan ko. At saka inosenteng bata, 'di ba, 'tapos iba-bash? Huwag na lang, ise-share ko sa inyo 'tapos iba-bash n'yo lang din pala.”
Related gallery: Maja Salvador shares childbirth experience in Canada
Meanwhile, like other first-time moms, Maja's priorities also changed when her daughter Maria was born.
She recalled, “Alam n'yo, noong buntis pa lang ako, siguro naiinip ako kasi nasa Canada ako, ang layo ko. E, napaka-workaholic ko, sabi ko kay Rambo, 'Gusto ko na magtrabaho. Uwi na ako, trabaho. '
“Pero noong dumating si Maria, sabi ko, 'Parang hindi muna ako magtatrabaho, kaya mo naman, e.'
“Parang ang tagal mong pinangarap, pinangarap mo talaga, so ang priorities mo sa life, talagang lahat ng decision-making mo kahit di pa sumasagot si Maria, titingnan mo lang siya, siya ang makakasagot.”
So, until now, Maja has not yet returned full-time to showbiz.
“Noong may mga inquiries na po tayo kung kailan ako magwo-work ulit, kunwari paggawa ng movies and TV series, sabi ko, hintayin ko lang mag-one year old yung anak ko. Kasi, siyempre, ang tagal kong pinangarap 'tapos hindi ko makikita ang mga milestones?
“So 'yun, sabi ko, miss ko na ang mag-work pero pinangarap kong maging mommy at binigay sa akin 'to kaya hindi ako nagmamadali.”
Didn't she worry about losing fame?
Maja answered, “Hindi ako natakot kasi siguro ready ako na magpakananay, maging isang asawa. 'Yun nga, ang tagal kong wini-wish, ang tagal kong dinadasal na magkaroon ng pamilya at maging isang nanay, binigay sa akin.”
Here are some beautiful mommy photos of Maja Salvador with daughter Maria:
First photo
Ito ang isa sa mga unang photos ni Maria kasama si Maja, kung saan kapapanganak pa lang ng aktres. Kuwento ni Maja, intense ang naging 30-hour labor niya kung saan 12 doon ay walang epidural.
My heart, my life
Itinuturing ni Maja na "My heart" ang baby ni Rambo, na "My life" naman ang tingin sa kaniyang mag-ina.
One month
One-month-old na si Maria sa litrato at masaya si Maja na hindi siya pinapahirapan ng anak sa gabi dahil masarap umano ang tulog nito.
Enjoying her toys
Binigyan rin ni Maja ng time si Maria na i-enjoy ang kaniyang mobile toy, habang nakahiga.
Sleeping Maria
Sa Instagram ni Maja, nag-post siya ng picture at video kung saan makikitang natutulog si Maria sa dibdib ng aktres. Sulat pa ni Maja sa pinost na video, "Bango ng baby ko."
Sleeping Maja
Sa instagram naman ni Rambo, pinost niya ang litrato ni Maja habang natutulog at karga ang natutulog din na si Maria. Caption niya, "I never thought I could love you even more [Maja]. Thank you so much for bringing Maria into our life."