House tour: Mga napundar na bahay ng celebrities para sa kanilang pamilya
Para sa marami, isang malaking achievement na ang pagkakaroon ng sariling tahanan kahit simple lamang ito basta't may komportableng mauuwian ang kanilang pamilya.
Bukod sa magagarang sasakyan at negosyo, maraming celebrities at social media personalities na rin ang natupad ang kanilang pangarap na magkaroon ng sariling bahay bunga ng kanilang pagsisikap sa trabaho.
Silipin ang mga bahay na naipundar ng ilang mga artista at online personalities para kanilang pamilya sa gallery na ito:
Alden Richards
Hindi napunta sa wala ang mga kinita noon ni Alden Richards sa kaniyang maagang pag-aartista dahil nakapagpundar agad siya ng malawak na lupain at malaking bahay para sa kaniyang pamilya.
Mansion in Laguna
Noong 2014 nakabili ng bahay at lupa si Alden Richards sa Laguna pero dumaan pa ito sa halos isang taon na renovation at redecoration bago nila malipatan ng kaniyang pamilya. Para kay Alden, bagamat nasa Quezon City ang kaniyang trabaho, gustong-gusto niya pa ring umuwi sa kanilang naturang bahay sa Laguna.
Barbie Forteza
February 2023 nang unang ibahagi ni Barbie Forteza ang update sa constrcution ng bahay na kaniyang ipinapagawa para sa kaniyang pamilya.
Christmas in their new house
Noong December 2023, nakalipat na sa kanilang bagong tahanan sina Barbie Forteza. Dito na rin sila nag-celebrate ng Pasko at ng bagong taon kasama pa ang kaniyang boyfriend na si Jak Roberto.
Sanya Lopez
Napagawa na rin ni Sanya Lopez ang kaniyang dream home para sa kaniyang pamilya. Noong August 2020, ipinasilip ni Sanya ang kanilang bagong two-storey house.
Dream home
Ang dream home na ito ni Sanya Lopez ay bunga ng kaniyang sipag at tiyaga sa kaniyang trabaho.
EA Guzman
Nasa tatlong taon ding nag-ipon ang Kapuso actor na si EA Guzman parta maipatayo ang bahay na regalo niya para sa kaniyang pamilya.
Gift to his mother
Noong December 2021, proud na nag-post si EA Guzman ng larawan ng kanilang bagong bahay sa Parañaque na ibinigay niya sa kaniyang ina.
Jillian Ward
Bata pa lamang ang Kapuso star na si Jillian Ward ay nakapagpatayo na ito ng isang two-storey house sa Quezon City noong 2012 gamit ang kaniyang mga kinita sa showbiz.
House in Pampanga
Noong 2020, muling nagpagawa si Jillian Ward ng three-storey house naman sa Pampanga. Ayon kay Jillian, pinili niyang magpagawa rito dahil sa Pampanga na lumaki ang kaniyang ama.
Kakai Bautista
Masayang ipinasilip ng comedienne-actress at singer na si Kakai Bautista sa isang vlog noong 2020 ang tatlong mahahalagang bahay sa kaniyang buhay - ang bahay kung saan siya lumaki, ang bahay na kanilang inuupahan, at ang bahay na kaniyang ipinapatayo pa lamang noon.
Third house
Kuwento ni Kakai Bautista sa kaniyang vlog, matagal niya ring pinangarap na magkaroon silang pamilya ng sariling bahay. Matapos ang mahigit 20 taon ay natupad din ang pangarap na ito.
Viy Cortez
Tinupad ng social media influencer at ngayon ay entrepreneur na si Viy Cortez ang pangarap niya na mabigyan ng sariling bahay ang kaniyang pamilya.
Bagong Bahay
Bunga ng pagsisikap ni Viy Cortez sa kaniyang pagiging influencer at pagnenegosyo, binigyan niya ng brand-new house and lot ang kaniyang mga magulang noong 2020.
Rabiya Mateo
Niregaluhan ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo ng bahay sa Iloilo ang kaniyang ina.
Sa isang interview, sinabi ni Rabiya, “Deserve niya po e. Ilang years din siya nagsakripisyo for me. Ilang years din siya hindi nakabili ng bagong damit kasi iba 'yung priority niya pero this time, it's my time na to give back.”
Fruit of Labor
Ayon kay Rabiya Mateo, may laki na 200-square meter ang property na kaniyang binili. Bukod dito, nakabili pa si Rabiya ng isang sasakyan na magagamit din ng kaniyang pamilya.
Luke Conde
Isa rin sa pinag-ipunan ng Kapuso hunk actor na si Luke Conde ang bahay na binili niya sa Batangas na regalo niya para sa kaniyang ina.
Para sa ina
Kuwento ni Luke Conde, noong bata pa siya ay nakikitira lamang sila sa kanilang mga kamag-anak o 'di kaya'y umuupa lamang. Kaya naman nang magkatrabaho, nagsumikap si Luke na makaipon at makabili ng bahay upang maranasan naman ng kaniyang ina ang may sariling tahanan.
Toni Fowler
Marami na ring naipundar ang sexy social media influencer na si Toni Fowler mula sa kaniyang pagba-vlog at mga negosyo.
Toni Fowler
Noong 2022, ibinida ni Toni Fowler ang nabili niyang mansyon na tinawag niyang Tore De Palacio. Ang mansyon na ito ay binili ni Toni para sa kaniyang pamilya at mga kaibigan na kasama niya sa kaniyang vlogging.
Mimiyuuh
Mula sa simpleng bahay noon, nakapagpatayo na ang YouTube vlogger na si Mimiyuuuh ng mas malaking bahay para sa kaniyang pamilya.
Katas ng vlogging
Kasabay ng kaniyang pagsikat at pagkakaroon ng maraming endorsement, inunti-unti pa ni Mimiyuuh na pagandahin ang kanilang bahay.
Sa isang interview, sinabi pa ni Mimiyuuuh na hindi siya makapaniwala na nabigyan niya na ng bahay ang kaniyang pamilya. Aniya, “Akala ko nga po mga nasa 30s pa ko makakabili ng bahay tapos ayun po, sobrang amazed ako na makakabili na po ako ng bahay for my family.”
Sunshine Cruz
Isa sa mga naipundar ng celebrity mom na si Sunshine Cruz noong 2023 ay ang kaniyang ipinatayong mas malaking bahay.
House upgrade
Ang bagong bahay na ipinagawa ni Sunshine Cruz ay para sa kaniyang tatlong anak na babae kay Ceasar Montano na sina Angelina, Sam, at Chesca. Aniya, “Nag-upgrade ako because of my kids too. Kasi yung carpark sa old house, isa lang. So, kailangan namin ng more space na maka-parking ng sasakyan, at least two or three. Kasi kawawa yung kotse, nasa labas lang.”
DJ Loonyo
Nagbunga ang hirap at sakripisyo ng sikat na dancer-choreographer na si DJ Loonyo o Rhemuel Lunio sa totoong buhay dahil nakapagpundar na siya ng negosyo at bagong bahay para sa kaniyang pamilya.
House in Cagayan
Sa Cagayan De Oro nakabili ng bahay si DJ Loonyo na regalo niya para sa kaniyang ina matapos itong magretiro sa pagiging midwife.
Ronnie Liang
Bago pa man maging Licensed Pilot at Army Reservist, marami na ring naipundar si Ronnie Liang para sa kaniyang pamilya.
House in Pampanga
Kasabay ng pagsikat noon ni Ronnie Liang bilang isang singer, nakapagpatayo na rin siya ng bahay para sa kaniyang pamilya sa Pampanga.
Mark Bautista
Noong 2022, ipinasilip ni Mark Bautista ang construction ng ipinapagawa niyang malaking bahay para sa kaniyang pamilya sa Cagayan De Oro City.
Achievement
Achievement para sa singer-actor na si Mark Bautista ang kanyang naipatayong bahay na may sariling commercial space para sa kanyang pamilya sa Cagayan De Oro City.
Ser Geybin
Mabilis ang naging pagsikat ng content creator na si Ser Geybin o Gavin Capinpin sa totoong buhay. Kasama ni Ser Geybin sa kaniyang vlogs ang kaniyang dalawang kapatid na sina Allen at Kelzy Capinpin. Bukod sa negosyo at pagtatapos ng pag-aaral, inuna rin ng Capinpin brothers ang makapagpatayo ng mas magandang bahay para sa kanilang ina.
3 New Houses
Hindi lang isa, kung 'di tatlong bahay ang ipinatayo ni Ser Geybin para sa kanilang ina. Ito rin daw ang hiling kasi ng kanilang ama noong nabubuhay pa ito. Sa loob ng 3,500-square meter na property, makikita ang tatlong bungalows na may kasama pang swimming pool, jacuzzi, home theater, at glass house.