Celebrities na proud sa kanilang LGBTQIA+ children
Isa ang LGBTQIA+ (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, questioning, intersex, or asexual) sa pinakamalaking community hindi lang sa Pilipinas, kundi sa buong mundo. Marami na ring mga icon at celebrity ang parte ng community na ito na talagang napatunayan na hindi hadlang ang pagiging LGBTQIA+ para maabot nila ang tagumpay.
Ilang celebrity parents din ang nagpahayag kung gaano sila ka-proud na parte ng LGBTQIA+ ang kanilang mga anak, at ipinakita ang full support nila sa kanilang mga anak.
Tingnan ang mga proud LGBTQIA+ parents sa gallery na ito:
Ian Veneracion
Kamakailan lang ay sinabi ng actor na si Ian Veneracion kung gaano siya ka-proud sa kaniyang anak na si Deirdre “Dids” Veneracion na umamin na isang lesbian.
Dids Veneracion
Isang aspiring musician ang anak ni Ian na si Deirdre “Dids” Veneracion at noong 2020 ay ni-release niya ang kaniyang first single na "Someone."
Ricky Davao
Sa isang interview, inamin ng actor-director na si Ricky Davao na nagulat siya sa pag-amin ng kaniyang anak kay Jackie Lou Blanco na si Rikki Mae bilang isang lesbian. Pero nilinaw rin niya na hindi siya nagalit.source:
Jackie Lou Blanco
Proud din ang 'Abot-Kamay na Pangarap' actress at asawa ni Ricky Davao na si Jacki Lou Blanco sa kanilang panganay na anak na si Rikki Mae.
Rikki Mae Davao
Si Rikki Mae ang panganay na anak nina Ricky at Jackie Lou. Proud at accepted siya ng kaniyang pamilya nang aminin niyang isa siyang lesbian.
Dolly Anne Carvajal
Si Dolly Anne Caravajal ang ina ng dating child star na si IC Mendoza at ayon sa kaniya, alam na niyang gay ang kaniyang anak sa edad pa lang na 13.
IC Mendoza
Isaiah Culleen Carvajal Mendoza, o mas kilala bilang si IC Mendoza, ay anak ng entertainment columnist na si Dolly Anne Carvajal at ng New-York based pastor at dating PBA Player na si Ed Mendoza. Una siyang umamin na siya ay gay noong 17 years old.
K Brosas
Ang komedyanteng si K-Brosas pa mismo ang nag-upload ng isang YouTube video para i-anunsyo na ang anak niyang si Crystal ay isang lesbian.
Leandro Muñoz
Sa episode ng online show na 'Just In,'sinabi ni Leandro Muñoz na suportado niya ang pagiging transman ng kaniyang anak na si Frankie.
Frankie
Pinaalalahanan din ni Leandro ang mga kapwa niya magulang na suportahan ang kanilang mga anak na gustong mag-come out, "My message to everyone, kung meron kayong anak na who's trying to come out, just support. Give a hundred percent support."
Dennis Padilla
Sa isang report ng PEP.ph, sinabi ng aktor na si Dennis Padilla na ang anak niya sa unang asawang si Monina Gatus, na si Daianne Baldivia, ay kasal na sa kaniyang long-time partner na si Katx, na isa ring babae.
Eddie Gutierrez and Annabelle Rama
Proud din ang primyadong mga aktor at celebrity couple na sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama sa kanilang actor at model na anak na si Raymond Gutierrez.
Sharon Cuneta and Kiko Pangilinan
Umamin din ang anak ni Megastar Sharon Cuneta at Senator Kiko Pangilinan na si Miel Pangilinan nasiya ay queer noong 2022 pride month.
Miel Pangilinan
Sa Instagram, nag-post si Miel ng ilang litrato kung saan hawak niya ang isang rainbow flag na sumisimbulo sa LGBTQIA+ Community. Caption niya sa post, "This June, I am celebrating my first pride month as openly and publicly queer."
Melanie Marquez
Miss International 1979 Melanie Marquez fully supports her daughter, Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee, who admitted to being a bisexual.
During an interview on 'Fast Talk with Boy Abunda,'q Melanie said, "Sa akin kasi, I always believe that where my children be happy, siyempre -- alam naman nila 'yung right and wrong. So, when it comes to their choices in life, I just let them know the consequences of what will happen."
source: michelledee/IG
Michelle Dee
Michelle admitted that she's bisexual when she appeared on the cover of a magazine. Michelle said during her interview, "I definitely identify myself as bisexual. I've identified with that for as long as I can remember. I'm attracted to all forms of beauty, all shapes and sizes."