The family of Janna Dominguez and Mickey Ablan
Saksi ang netizens sa pamilyang binuo ng 'Pepito Manaloto' star na si Janna Dominguez at ng kanyang partner na si Mickey Ablan.
Sina Janna at Mickey ay mayroong tatlong anak na babae na sina Yzabel, Micael, at Julliann. Ngayong October 2023, ibinahagi ni Janna ang pagsalubong nila sa anak nilang si Leon.
Silipin ang mga larawan sa pamilyang binuo nina Janna at Mickey dito:
Janna Dominguez and Mickey Ablan
Puno ng pagmamahal ang pagsasama nina 'Pepito Manaloto' star Janna Dominguez at Mickey Ablan. Sa post ni Janna noong June 2023, nag-celebrate sila ng kanilang 12th anniversary ni Mickey.
Family
Sina Janna at Mickey ay may tatlong anak na tinatawag nilang tres marias. Sila ay sina Yzabel, Micael, at Julliann.
Proud mom
Proud na proud si Janna sa kanyang tatlong mga anak at makikitang lagi niyang ka-bonding sina Yzabel, Micael, at Julliann.
Girl dad
Sa Father's Day post ni Janna para kay Mickey ay pinakita niya ang masasayang moments nito kasama ang mga anak.
Sweet moments
Bukod sa kanilang family photos, hindi rin nagpahuli sina Janna at Mickey sa pagpapakita ng kanilang sweetest photos.
Baby Leon
October 7, 2023 ibinalita ni Janna na ipinanganak na niya ang bunsong anak na si Leon. Si Leon ay ang nag-iisang anak na lalaki nina Janna at Mickey.