Buboy Villar's adorable daddy moments with his kids Vlanz and George
Isang proud daddy ang aktor at komedyante na si Buboy Villar sa kanyang dalawang anak na sina Vlanz Karollyn at George Michael.
Sina Vlanz at George ay mga anak ni Buboy sa American ex-girlfriend niya na si Angillyn Gorens.
Ipinanganak si Vlanz noong August 30, 2017 at si George naman ay ipinanganak noong August 31, 2019 sa Los Angeles, California.
Tingnan ang adorable daddy moments ni Buboy Villar at ang kanyang dalawang anak na sina Vlanz Karollyn at George Michael sa gallery na ito:
Buboy Villar
Sa edad na 23, isang proud daddy si Buboy Villar sa kanyang dalawang anak na sina Vlanz Karollyn at George Michael.
Vlanz Karollyn
Ipinanganak ang panganay ni Buboy Villar na si Vlanz Karollyn noong August 30, 2017 ng kanyang dating American girlfriend na si Angillyn Gorens.
Prinsesa
Ayon kay Buboy, ang anak na si Vlanz Karollyn ang "prinsesa ng buhay" niya. "Sobrang proud ang papa sa 'yo anak, gusto ko lang sabihin na ako ang pinakamaswerteng tatay sa buong mundo. Mahal na mahal kita anak ko," pagbati ng aktor noong second birthday ni Vlanz.
Chill
Sa pahayag ni Angillyn Gorens sa 'Tunay Na Buhay,' matulungin at "very playful" na ama si Buboy Villar sa kanilang panganay na anak na si Vlanz Karollyn.
George Michael
Dumating sa buhay nina Buboy Villar at Angillyn Gorens ang bunsong anak na si George Michael noong August 31, 2019.
Birthday celebration
Kasama ni Buboy Villar sina Vlanz Karollyn at George Michael nang ipagdiwang ng mga ito ang kanilang kaarawan noong August 2020.
Blessing
Ayon kay Buboy Villar, ang mga anak na sina Vlanz Karollyn at George Michael ang pinakamagandang blessing na dumating sa kanyang buhay. "Kayo ang dahilan kung bakit ako lumalaban sa buhay," sabi ng aktor.
Sweet daddy
"Papa! Social distancing please," caption ni Buboy Villar sa larawan nila ng anak na si Vlanz Karollyn.
Bonding
Noong November 2021, ipinakita ni Buboy Villar sa kanyang vlog ang bonding moments nila ng anak na si Vlanz Karollyn bago niya ito ihatid sa airport papuntang Amerika.
Eldest
Unang inihatid ni Buboy ang panganay na si Vlanz Karollyn papuntang Amerika. Kinailangan ni Vlanz na pumunta sa kanyang ina para sa U.S. citizenship nito.