LOOK: Heath Jornales, artistahing anak ni 'Encantadia' actor Michael Roy Jornales
Pinabilib tayo ni Michael Roy Jornales sa kanyang martial arts skill bilang Apek sa hit telefantasya series na 'Encantadia.' Pero alam n'yo ba na may anak siya na sumusunod sa kanyang yapak sa showbiz? Kilalanin si Heath Jornales sa gallery na ito!
Heath Jornales
Naaalala n'yo pa ba si Apek sa telefantasya series na 'Encantadia'? Ginampanan ni Michael Roy Jornales ang role na ito. Pero bukod kay Michael, sumunod na din sa yapak niya ang kanyang anak na si Heath Jornales. Get to know this newest Kapuso child star to watch for.
Michael Roy Jornales
Noong June 2020, inanunsyo na ang cutie na si Heath Jornales ay isa sa mga promising talents ng GMA Artist Center.
Action star
Hindi rin kagulat-gulat kung maging action star si Heath Jornales. Mentor niya sa iba't-ibang klase na martial arts ang ama na si Michael Roy. Huling napanood ang aktor sa action-drama series na 'Beautiful Justice.'
Mother's Day
May sweet message si Heath para sa kanyang, si Mommy Jem Estrada, noong Mother's Day 2020.