Joel Cruz's beautiful photos with his eight adorable kids
Sumikat ang pangalan ni Joel Cruz bilang isang perfume mogul.
Kilala man siya sa kanyang titulong Lord of Scents sa mundo ng pagnenegosyo, may isa pa siyang role na ginagampanan.
Si Joel ay isa ring ama sa kanyang walong cute na cute na mga anak. Ito ay sina Prince Sean, Princess Synne, Harry, Harvey, Prince Charles, Princess Charlotte, Zeid, at Ziv.
Sina Harry at Harvey ay nagdiwang ng kanilang fifth birthday noong October 24, 2020.
Ang mga anak ni Joel ay ipinanganak sa Russia through IVF o in vitro fertilization.
Aniya sa isang post, "A proud father of 8 children! Single father, GAY, happy, responsible & very blessed!"
Silipin ang buhay ni Joel kasama ang kanyang walong anak sa gallery na ito.
The Lord of Scents
Si Joel Cruz ay ang President and CEO ng Aficionado Germany perfumes. Siya ay mayroong walong anak.
Twins
Ang fraternal twins na sina Prince Sean at Princess Synne ay anak ni Joel through IVF o in vitro fertilization.
Joel's twins
Ayon sa website ng Aficionado, Lilia ang pangalan ng surrogate mother nina Prince Sean at Princess Synne. Isa siyang blonde na kahawig umano ni Julia Roberts.
The Entourage
Ang kambal ay mayroong nurse, tatlong nannies, bodyguard, security guard at sariling driver. Sila ay binansagang 'the Entourage.'
New twins
Noong November 2015, dumating ang panibagong kambal ni Joel na sina Harry at Harvey. Ang ina nina Harry at Harvey ay mula sa same surrogate mother na si Lilia.
The Lord of Scents' babies
Masayang kuha nina Joel, Prince Sean at Princess Synne nang binyagan sina Harry at Harvey.
New babies
4th set of twins
Ayon kay Joel ay nais niya pang magkaroon ng ika-apat na set ng twins. Aniya, "'Yun na 'yung last program sa Russia. I'm hoping and praying na sana kambal ulit sila. Para maging walo sila."
Zeid Cruz
Narito ang unang pasilip ni Joel sa kanyang anak na si Zeid. Aniya, "Russia sent me the very first picture of my 7th son-Zeid Cruz. I didn't see him in St Petersburg & thank God I saw him now!"
Another baby boy
Winelcome ni Joel ang kanyang baby number eight na si Ziv noong November 6, 2018 sa St. Petersburg, Russia.
8 kids
Nitong May 20, ipinakita ni Joel ang photo na kumpleto ang kanyang mga anak. Aniya, ito ay kuha sa kanyang mansion sa Canyon Woods.
Model
Ayon kay Joel, si Princess Synne ay kinuhang model ng isang mall para sa kanilang kids apparel.
Pray
Ipinakita rin ni Joel na si Charlotte ay nagdadasal. Ayon sa perfume mogul, gabi gabi umanong nagdarasal ang kanyang anak.
Costume party
Pagdating sa kanyang mga anak, all-out si Joel kaya naman magarbo kung ipagdiwang niya ang kaarawan ng kanyang mga tsikiting. Ngunit ngayong may pandemya, minabuti ng perfume mogul na sa bahay na lang i-celebrate ng kanyang second set of twins na sina Harry at Harvey ang kanilang fifth birthday noong October 24.
Birthday
Ganito rin noong ipinagdiwang nina Prince Sean at Princess Synne ang kanilang 8th birthday noong Setyembre. Simple man ang selebrasyon pero tiniyak ni Joel na magiging masaya ang kanyang mga anak sa kanilang kaarawan sa pamamagitan ng pagbibigay ng regalo.
Family
Kuwento ni Joel sa 'Tunay na Buhay,' nagtatanong ang kanyang mga anak kung nasaan ang kanilang ina. Aniya, "Yes, nagtatanong sila kung nasaan. They know na nasa Russia. Wala naman akong tinatago sila kasi like this, alam naman nila 'yung story ng buhay namin, buhay nila. Kaya open naman ako sa kanila."
Travel
Busy man sa kanyang mga negosyo, hindi nalilimutan ni Joel Cruz na magkaroon ng bonding kasama ang kanyang mga anak.
COVID-19
Sa parehong panayam ni Joel sa 'Tunay Na Buhay,' ikinuwento niya kung paano nila nilabanan ang COVID-19. Bukod sa kanya, tatlo sa kanyang walong anak ang tinamaan rin ng COVID.
Future
Hindi naman sinasara ni Joel ang pinto na magkaroon pa ng anak sa future dahil may naka-preserve siyang sperm cells sa Russia.
New business
Kasama ni Joel ang kanyang mga anak nang magbukas siya ng branch ng kanyang bagong food business.
Food
Patuloy sa pag-expand ang negosyo ni Joel. Sinamahan siya ng kanyang mga anak sa pagbukas ng milk tea and takoyaki store.
Vlog
Sa Cebu vlog ng perfume mogul ay kitang-kita ang tuwa ng kanyang mga anak sa kanilang pagbiyahe sa iba't ibang lugar.
Netizen's question
Sa isang travel vlog ni Joel ay may netizen na nagtanong tungkol sa kanyang ika-walong anak. Kuwento ni Joel, "Itinatanong bakit daw seven 'yung kasama ko hindi eight."
Ziv's condition
Ipinaliwanag ni Joel na ang kanyang bunso na si Ziv ay may special condition.
"'Yung ika-walo kasi, 'yung bunso, na-diagnose siya ng doctor na mayroon siya autism spectrum. Isa siyang sakit at ginagamot siya ngayon through therapy session."
Story of Joel's kids
Inilahad ni Joel sa Sarap, 'Di Ba? na alam ng kaniyang mga anak ang kuwento tungkol sa kanilang surrogate mother.
Ani Joel, "Alam ng tao lahat ng buhay ko. Ayoko na may manggaling sa ibang tao, na nagsinungaling ako."